Bakit?
Bakit ka ganyan?
Bakit palagi mo nalang akong pinagmamasdan
Ano nga ba ang iyong nararamdaman?
Sa tuwing ako'y tinitignan
Wag mong sanayin na ako'y palaging pagmasdan
Simpleng tingin mo lang ay may kahulugan
Aminin mo kung meron kang nararamdaman
Hindi ganito na puro lang titigan
Hindi ako maghuhula na bigla kong malalaman
Minsan ang tamis mong magsalita na akala ko may kahulugan
Madalas parang ka namang yelo na di makausap ng kahit sino man
Naguguluhan
Nalilito na kung ano nanaman
Ano nga ba ang totoo sa mga kinikilos mo diyan?
Hindi na ako nag-alinlangan
Mahal kita tayo na magmahalan
Mahal mo rin ba ako kailangan ko ng kasagutan?
Isang katanungan na kahit kailan di ko alam ang kasagutan
Nang aking malaman
Palaging binabanggit kung saan
Iniisip kung bakit ganyan?
Bakit hindi ako na iyong minahal o nagustuhan
Bakit siya na di mo naman matakbuhan?
Bakit hindi pwedeng ako na palaging nariyan?
Bakit bawal ako dahil ba ako ay iyomg kaibigan?
Ang daming tanong pero ang tanging sagot mo lang naman
Mahal ko siya at ikaw ay isang kaibigan