Hindi kumpleto ang pamilya
Kung wala siya,
Ang haligi ng tahanan
Ang halagi na kami'y pinahahalaganAng Papa ko
Sa kanya ako'y nagpapasamalat sa lahat-lahat
Patawad kung minsan ika'y aking sinasagot-sagot
Salamat sa lahat kung wala ka hindi ko makikita ang mundo at parang ako'y isang abo na walang alam sa ginagalawan koKung minsan sa isip ko
Ika'y pinapatay ko
pero ako'y pala'y mali
Dahil kung wala ka , paano na ako?Patawad kung minsan ganun ako
Patawad kung minsan mali ako sa paningin mo
Patawad kung minsan timatamad ako
Patawad , patawad papa koPapa ko
Sana minsan bawas-bawasan mo
Ang mga salita na sobra na dahil sobra din akong nasasaktan sa mga salita mo
Nasasaktan ako dahil pakiramdam ko na parang ayaw mong maging anak akoNasasaktan man kita
Ganun din ako , pa
Patawad kung matigas ako
dahil ang totoong ako ay tinatago ko dahil ang totoo sobrang hina koPapa ko
Alam ko na mali ako
pero minsan alam ko ring sobra na ang ginagawa mo
Naiintindihan ko naman ang mga salita na lumalabas sa bibig mo
Kaya sana'y wag na tatama ang kamay mo o ang kamao mo sa katawan koPapa ko
Ito ang palaging tatandaan mo
Ganun man ako minsan sa iyo
Ikaw parin ang papa ko, ikaw parin walang iba , ikaw at ikaw parin ang pipiliin kong maging papa naminHappy Father's Day sa lahat ng tatay at papa sa mundo lalo na sa papa ko 💓 LoveyouPa😘