Kulang pa ba ?

83 2 0
                                    

 Tula para sa taong gusto ko na may gusto ng iba charot😂Tula para sa mga taong may gustong iba.Halika basahin niyo itong ginawa kong tula para sa inyong nambabaliwala.Nambabaliwa ng nararamdaman naming di namin maisalita

--------------- <3 -------

Sumulat ako ng tula
Para sa taong di marunong makahalata
Sabagay di ko naman sinalita pero kulang pa ba ang aking gawa para hindi mo ito madama?
Oo itong aking nadadama , nadadama mo ba?
Baka manhid ka kaya hindi mo madama?
O nagmamanhid-manhidan ka kasi di naman importante na gusto kita diba?
Oo!Gusto kita!
Na hindi ko magawang isalita pero nahahalata ng iba pero bakit ikaw di mo makita , di mo madama ?
Kulang pa ba ?
Kulang pa ba yung pagpapansin ko kahit parang hangin lang ako kasi nasa ibang atensyon ka?
Kulang pa ba ang pag-iintindi ko sayo kasi nga busy ka?
Kulang pa ba yung pag-papaalala na mag-iingat ka 
Kulang pa ba yung pagbati ko sayo tuwing umaga?
Kulang pa ba yung pagtatadtad ko ng chat kahit offline ka?
Kulang pa ba ang oras na binibigay ko kahit ultimo inaantok na gusto parin makausap ka?
Kulang pa ba kahit pagod na inaantay parin kita?
Kulang pa nga kasi hindi naman ako siya
Tama ako diba?
Hindi ako siya 
Iba kasi ako sa kanya at maslalong hindi ako magiging siya
Kaya sana imulat mo ang iyong mata
Nandito ako nasa harapan muna
Di ka naman bulag diba?
Ang linaw nga ng iyong mata
Bakit di mo ko makita?
Sabagay nakaharang pala siya kaya di mo ko makita , kaya di mo ko madadama
Sino ba naman kasi ako para makita ?
Sino ba naman kasi ako para madama?
Ako lang naman tong babae na ginugusto ka
Ginugusto ka kahit mali na
Mali na kasi may gusto ka na 
Bakit ko nga ba sinabi pa ?
Sinabi pa itong nadadama 
Nadadama , eh wala lang naman to sayo diba?
Bakit nga ba?
Sinabi ko lang naman para matapos na para sabihin mo na yung katagang "Pasensya may gusto na akong iba "
Oo gusto kong maring iyon ng aking tenga
Di pa kasi sapat sa pusong nagpapakatanga ang nakikita ng mata
Oo tanga nga diba kaya kailangan dapat madurog muna bago tumigil sa kakaasa 
Kakaasa sa taong di marunong magpahalaga
Magpahalaga ng taong nandiyan na nakuha pa , lumingon sa iba
Para saan pa yung harapan kung tatalikod ka rin pala 
Sa madaling salita para saan pa yung taong gusto ka kung doon ka parin sa gusto mo pupunta
Nakakaloka! 
Ang sarap gustuhin ka lasang masaya na may halong lungkot na 
pero masmasarap kung titigil na lasang lungkot na unti-unting mararamdaman yung saya
Titigil na at tatapusin na 
Tatapusin na ang atin kahit wala namang simula 
Simula meron pala
Nagkakausap tayo diba?
Iyon ang ating simula 
Napapangiti din kita
Okay nga tayo diba?
Kaya lang nasira na
Nasira nung nagkagusto ka sa iba
Samantalang ako nag-aantay lang na magustuhan mo diba?
Iyon naman ang dulo nating dalawa
Ang dulo kung saan nasaktan na
Nasaktan kasi may gusto kang iba
Tama na nga itong tula wala namang kwenta itong nadadama para saan pa kung may gusto ka na ngang iba
May gusto ka na ngang iba pero gusto parin kita diba ang tanga?
Nakakalokang tula para sayong di makahalata 
Mali pala para sayong nakakahalata pero wala kang paki kasi di naman ako siya
Nakakalokang tula para saking nag-aantay sa wala 
Huling na talaga, sagutin mo ang aking pamagat para matapos na
Kulang pa ba ?

Tula ni JMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon