Ikaw at siya at oo di kayo pero pareho kayo ng nararamdaman
Label na nga lang daw kulang sabi ng karamihan
Kayong dalawa ay kanilang pinagsabihan
Mahirap nga daw itong walang kasiguraduhan
Baka mauwi ito sa sakitan
At kawawa ang taong maiiwan
Tila ikaw ba'y kinakabahan
Dahil baka ikaw ay maging talunan
At kung naalala mo pa dati ka na ring nagawang pangakuan pero nagawa paring iwan
Paano pa kaya ngayon , walang kasiguraduhan?
Ngunit ikaw parin ay lalaban at di mo dapat yun pagsisisihan
Masaya ka , Masaya kayo yon ang iyong panghahawakan
Kahit maraming bulong-bulungan
Sila ay ating hahayaan
Taga nood lang naman sila sa inyong mga desisyon at pinagpaplanuhan
Akin sisimulan kung ito rin ba ang iyong dahilan
Ang magkapagtapos muna ng pag-aaral bago ka niya simulang ligawan
Nakakapagtaka ngunit napapatanong ka rin ba kung tama nga ba ang ginagawa sapagkat kung mali , ayaw mo rin itong wakasan
Ngayon ka pa ba aatras kung gusto ka rin niyang samahan?
Ngunit paano kung biglaan ang wakas , wala ka ng laban
Mapapasabi ka na lang ng bahala na si batman
Ngunit alam mo , totoo itong nararamdaman
Kaya kung ganun man ang kahihinatnan
Basta naging masaya ka at di mo yun dapat pagsisisihan
Balik tayo sa magulong ugnayan
Paiba-iba man inyong usapan
Mag-aaway man sa di malamang dahilan
Magbabati rin dahil kahit magulo nagagawa paring maglambingan
Nagpapalitan rin ng matatamis na banatan
Kapag di na umiimik nagagawang akbayan
Bigla-bigla rin nagkakatampuhan ngunit mapapawi dahil sa mainit na yakapan
Sa dulo ng awayan sabay paring uuwi at hawak kamay sa daan
Tila kung titignan
Kung susuriin ng iilan
Kayo na pero hindi kayo talaga dahil ang totoo pareho lang nararamdaman
Pareho din nag-aantayan
Label na inaasam , tama bang ngayon na lagyan?
Bumubulabog sa iyong isipan
Alam mo kung di lalagyan kayo'y mahihirapan
Ngunit kung pareho namang pinaglalaban at maayos na pag-uusapan
At pareho ng pinagpaplanuhan
Hindi naman mangyayari ang iyong kinakatakutan
Ngunit paano kung pareho nga kayong nagplano at lumaban pero hindi naman talaga kayo yung nakalaan?
Edi sagot doon inuman
Char lang ganun talagang kahit pinagplanuhan kung di iyon ang plano ng nasa kalangitan
Wala rin pero tandaan naging masaya ka naman
Kaya magtiwala na lang tayo , masaktan man tayo sa dulo lagi lang nating tatandaan " May taong para sayo , para sayo lang talaga nakalaan "