#2
Paghanga sa isang tao
Kinikilig bawat galaw nito
Sinisilayan ang napakagandang niyang litrato
Punong-puno ng mga pangalan niya sa kwaderno
Pirma mong may kanyang apelyedo
Siya ang dahilan ng ngiti mo
Ang saya ng feeling kapag humahanga ka sa tao
Yung tipong makita mo lang siya buo na ang araw mo
Paano pa kaya kung minu-minuto?
Nabaliw ka na siguro
Paghanga nga lang ba ito?
Isa sa mga tanong mo
Paghanga ba o gusto
Gusto ba o mahal mo
Ang gulo na noh pero sabi mo crush lang ito
Paghanga lang sa isang tao
Bakit ka nasasaktan sa mga nakikita mo?
Bakit nararamdaman mo yung sakit na di mo dapat maramdaman ng puso mo?
Bakit iniiyakan mo na ang tao
Paghanga lang ba talaga ito?
Inulit mo ulit ang tanong mo
Kaharap mo ang taong dahilan ng saya at lungkot mo
Ngayon ipaliwang mo sa kanya ang nais mo
Sabihin mo sa kanya ang nilalaman ng puso mo
Kahit ano pa ang kahihinatnan nito
Basta ikaw ay manatiling matatag sa mga maririnig mo
Dahil hindi lahat oras pareho kayo
Narinig mo ang sagot ng taong mahal mo
Oo mahal mo siya iyon ang sabi mo
Iba daw ang mahal niya sabi niya sayo
Kahit pinigilan mo ang luha di nagpatalo ang luhang kusang bumagsak dahil sa sakit na nararamdaman mo
Okay lang yan sabi ng kaibigan mo
Pero patuloy parin ang pagbagsak ng likido
Kasabay ng pagpuwit ng iyong litrato kasama ng taong mahal mo na dati hinahanggan mo
Ngayon sinusumpa mo