Sapagmulat ng aking mata
Mukha mo ang gustong makita
Selpon ay hinahanap ko na
Facebook ay binubuksan na
Napatulala bigla
Na parang sasabayan pa ng pagbuhos ng tubig sa mata
Yung kaninang masaya
Napalitan ng lungkot dahil sa nakita
Nakita ko ang larawan mo
Larawan mo kasama ng taong mahal mo
Napapunas bigla ako
Dahil biglang tumunog ang messenger ko
Isang Hi pala galing sayo
Galing sayo kaya nagwala na ang puso ko
Puso kong nagmamahal sa tulad mo
Tulad mong walang kaalam-alam sa nararamdaman ko
Natapos ang usapan ng biglaan
Dahil sabi mo ikaw ay may pupuntahan lang
Sinabi mong saglit ka lang
pero inabot ka ng bukas na lang
Gusto kong magalit sa iyo
Gusto kong magtampo
Gustong kitang sumbatan ngayon mismo
Kaso naalala ko wala nga palang tayo
Sino nga ba ako sayo? Sino nga ba ako?
Ako lang naman diba yung taong nilalapitan mo?
Ako lang naman diba yung taong nandiyan palagi sa tabi mo ?
Ako lang naman yung taong hindi naging priority sayo
Option ? Option mo lang ako diba?
Hahanapin mo lang kapag bored ka
Ano na?
Kailan mo makikita ang aking halaga?
Oo nga pala hindi ako mahalaga
Isa nga lang akong option sa paningin mo lalo na sa iba
Sabi ng iba tigilan ko na
Tigilan ko ng magpakatanga
Tigilan ko ng magpakatanga?
Iniisip ko palang hindi ko na kaya
Hindi ko na kaya kasi bawat pagmulat ng mata
Mukha mo'y aking nakikita
Walang tayo diba?
Walang tayo pero bakit minamahal kita ng sobra
Bakit minamahal pa kita ?
Walang tayo pero bakit kailangan ko pang magpakatanga?
Bakit sinasayang ko pa ang tubig sa aking mata?
Kung manhid din naman ang minamahal ko ng sobra
Nasasaktan na ako samantalang ika 'y nagpapakasaya
Walang Tayo , Walang Tayo
Merong lang na ikaw at ako
Hanggang dito lang ang ating kwento
Dahil hanggang ngayon WALANG salitang TAYO