Umagang-umaga nakanganga
Bibig ay nakabuka
Talak ng talak ng salita
Kesyo ganito , ganyan si ano , yung asawa ni , yung kabitbahay nating walang pera
Mga salitang sobra na
Sobra na , nakakasakit na ng tenga
Maya't-maya nagsasakita
Nakataas pa ang paa
Chismosa ang tawag sa kanila
Mga taong wala alam kundi magsalita at manghusga
Minsan nga salitang galing din naman sa iba
Ikinuwento sa kanya at ikukuwento niya rin sa iba
Salitang di inisip muna bago ibuga
Kesyo wala daw magawa
Kaya sa labas nagtatalak ng mga salita
Mga salitang kung ano-ano sa kanilang kapwa
Mapanghusga mata
Mga kwentong barbero at minsan wala pang proweba
Magsasalita ng masasamang salita sa kapwa para kunwari di siya magmukhang masama
Mga kwentong di naman alam saan nagmula
Gusto ko sana silang tanungin masasagot kaya nila ang mga tanong ko?
Kakaonti lamang naman ito
Bakit ka nanghuhusga ng tao?
Sira na ba ang iyong ulo?
Bakit ganyan ka kung magkwento?
Nasan ang utak mo wala na ba sa ulo mo?
Nakakalokang salita puro
Paninira lang sa kapwa
Bakit nauso pa?
Ang magtalak ng kung ano-ano sa ating kapwa kaysa maging mabuting kapwa
Mali na nga ang iyong ginagawa na kuha mo pang makipag-away sa kapwa
Kung ikaw ay marunong magpakumbaba
Di ka magtatalak ng mga salita
Kausapin ng tama
Ang kapitbahay mong nakagawa
Nakagawa ng masama
O mali ang kanyang nagawa
Minsan ba naalala mo ang kanyang mga nagawang kabutihan?
O puro naalala mo lang ang nagawa niyang kasamaan?
Puro ka paghuhusga ng mga mali niya
Puro mali lang ang iyong nakikita
Samantalang di mo na maalala ang tama niyang ginawa
Talak ka kasi ng talak paganahin mo kasi minsan ang iyong utak
