Basura sa Pirasa

42 1 0
                                    



Naalala mo pa ba ? 

 Yung nakaukit sa pisara

Yung sa gitna ng pusong nakaukit ay pangalan nating dalawa

Ang pirasa ang magpapaalala

Kung paano natin minahal ang isa't-isa

Kung walang pisara

Paano nga ba kita makikilala ?

Salamat sa pisara

Dahil nagkaroon tayo ng istorya

Ngayon tatanungin kita

Alam mo na ba ang nangyari sa pisara ?

Hindi mo alam kasi iba na ang binibigyan mong atensyon

Simula nung nasira ang ating relasyon

Ako na mag-aadjust tutal lahat yun ay binigyan ko ng halaga

Kahit wala na , wala na tayong dalawa

Ipapaliwanag ko na

Ang nangyari sa pisara

Unti-unting lang naman nabubura ang mga nakaukit na letra

Unti-unting lang naman nagbabago ang itsura dahil nasisira na

Nasisira na ang pisara

Nauna nga lang ang kwento nating dalawa

Naalala mo pa ?

Shempre hindi na

Eh , yung pangako mo para sating dalawa ?

Nasaan na ?

Naalala mo rin ba ?

Yung binuo nating istorya ?

Shempre hindi na

Wala ka ng naalala

Bakit dapat aalahin kung tapos na ?

Dapat pa bang isipin ang bagay na nawala na

Sige isa na lamang iyong ala-ala

Ala-ala nga ba ?

O basura

Tama naman ako diba ?

Basura na yung kwento nating dalawa

Wala ng kwenta

Wala ng halaga

Kaya tinapos muna

Tinapon muna

At kung maitatanong mo kung kamusta na ang pisara ?

Buo pa

Ang tibay diba ?pero yung inukit nating dalawa

Naging basura na ,

Basura sa pisara

Pisara sa basura 

Kahit pa baliktarin 

Wala ng kwenta

Wala ng halaga

Dapat itapon na ,

Katulad ng ating istorya

Tula ni JMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon