Kung sana noon mo pa ginising ang puso

43 1 0
                                    

Hawak ang bote ng alak
Puso mo'y wasak
Sige tagay sabay banat ng ayoko na , ayoko na ng alak habang patuloy ang luhang pumatak
Sige hangga't may iluluha , sige umiyak
Ngunit ikaw biglang ngingiti , na nagpapahiwatig na ika'y tinamaan na ng alak na para bang kinikiliti
Sumagi sa iyong isip na mali pala ang iyong binanggit kaya inulit hanggang sa tumama na ang iyong nabanggit
Ayoko na inulit muli hanggang sa naitama na ang pagkakamali
Ayoko na magmahal , gusto ko nalang magwalwal
Ngunit iyong binawi sabay tagay muli
Napatingin lahat sayo nagulat sa sinigaw mo
Paulit-ulit mo ba namang inisigaw ang pangalan ng taong mahal mo hanggang sa pumatak ng pumatak ang luha sa mata mo
Ngunit subalit lahat ay nanahimik ng iyong binanggit ang katagang di inaasahan kaya lahat ay di umimik
""Parang gusto ko nalang mamatay kaysa ganito buhay ako pero unti-unting pinapatay"
Ika'y muling tumagay hanggang sa ika'y biglang nawalan ng malay
Nagising ka na lamang sa ingay ngunit ang puso mo ay siya parin ang sinisigaw
Gising ka na pero ang tanong puso mo ba ay gising na?
Ay tulog pala ang puso mo, nanaginip parin siya
Kaya ginising hanggang sa napagod ka
Ilang beses mo ba namang ginising ang puso mong nanaginip pa ngunit sa sandaling iyon wala kang ibang nagawa kundi hayaan siya
Kaya heto ika'y naguguluhan sa gabing hawak ang bote ng alak
Dahil wala kang ginawa kundi hayaang masaktan at tuluyang mawasak
Kung sana noon mo pa ginising ang puso mong nanaginip na mamahalin ka niya
Kung sana noon mo pa ginising ang puso mo sa katotohang ang panaginip ay hindi kailan man magiging makatotohanan
Kung sana noon mo pa ginising ang puso mo  edi sana di na nadadamay ang puregold na puro green ang loob
Kung sana noon mo pa ginising ang puso mo edi sana di rin nadadamay ang blackboard niyo nung elementarya ka palang na hanggang ngayon ay kulay green parin
Mga tanong mong mahirap sagutin
Katulad lang yan ng tanong mong bakit hindi ka niya kayang mahalin
Kung sana noon mo pa ginising ang puso mo edi sana di ka naniniwala kay kupido na papanain niya rin ang puso ng taong mahal mo
Kung sana noon mo pa ginising ang puso mo edi sana yakap mo ang unan hindi ang bote ng alak na maslalong magpapawasak ng puso mong wasak
Kung sana noon mo pa ginising ang puso mo  edi buo pa ang puso mo di wasak
Kung sana noon mo pa ginising ang puso mo edi sana hindi ka ngayon umiiyak
Kung sana noon mo pa ginising ang puso mo edi sana nandiyan pa yung taong totoong nagmamahal sayo , hindi yung taong pinipilit mong mapasayo

Tula ni JMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon