Ang inspirasyon ko ay nasa kabilang seksiyon

66 1 0
                                    

Nagtagpo ang ating mata
Sa unang araw ng eskwela
Ilang araw palagi na kitang nakikita
Kaya mukha mo'y nakabisado ko na
Kaya kapag iniisip kita
Napapangiti ako ng sobra
Nasanay akong magkikita muli kita sa pwesto kung saan tayo pinagtagpo mg tadhana
Ang saya ,
Ako'y hindi nabigo
Tumibok ng napakabilis ang aking puso
Nabusog na
Nabusog na ako sa mga ngiti mo
Ang lungkot ,
Hindi na kita nakita
Nalungkot ako ng sobra
Bakit ngayong kaarawan ko pa ika'y di nakita
Nasaan ka na ?
Bakit bigla kang nawala?
Bakit wala ka na sa pwesto kung saan palagi kitang nakikita?
Uuwi na ako
Alam ko di na muli tayong magtatagpo
Talagang sa kaarawan ko pa ako nabigo
Ang sakit ,
Sobra akong nasasaktan
Hindi pa tapos ang aking kaarawan
Nakita nga kita sa iyong silid-aralan
Kaya lang ika'y may kasama
Mula sa malayuan
Kayong dalawa ay sinusulyapan
Masaya kayong dalawang nagtatawanan
Habang ako'y ito
Pinipigil ang galit dahil wala ka namang kasalanan
Hinangaan kita ng biglaan
Hindi mo iyon kamalian
Puso ko ang kusang pumili
Hindi ko naman agad nawari
Ikaw pala ay hindi ko magiging pagmamay-ari
Dahil sayo ay meron ng nagmamay-ari
Kaya ngayon alam ko na
Ikaw at siya ay nagmamahalan
Kumbaga sa istorya
Ako ang kontrabida
Na akala ko ako'y isang bida
At ikaw ang prinsipe ko sa istorya
Iyon ay isang akala lang talaga
Ang hapdi ,
Ang hapdi kahit wala namang sugat
Lahat ng sakit na naidulot ay naglamat
Napatunayan kong masakit ang aking pamagat
Ang inspirasyon ko ay nasa kabilang seksiyon ,
Iyon ang aking pamagat sa tulang aking isinulat
Sing layo ng pag-asa ang silid-aralan nating dalawa
Ibigsabihin lang nito hanggang inspirasyon lang talaga
Hindi na pwedeng lumala
Dahil kung ngayon palang masakit na
Paano pa kaya kapag mahal na kita

Tula ni JMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon