Isa hanggang sampu ako'y magbibilang na ,
Sasabihin ang dahilan kung bakit nga ba ?
Bakit nga ba wala akong boyfriend ? Iyang katanungan ay masasagot ko gamit ang pagbibilang ng isa hanggang sampung salita
Isa , may isang taong nanakit ng puso ko kaya mahirap ng maniwala
Dalawa , dalawang taon na akong umaasa sa taong walang paki sa nararamdaman ko kahit paulit-ulit kong pinaparamdam sa kanya na gusto ko siya
Tatlo , tatlong beses ko ng sinabi sa taong may gusto sakin na may iba akong gusto
Apat , apat na letra ang dahilan kung bakit ayaw ko na dahil ang "LOVE " ay nagiging "LARO" na
Lima , limang taon ko ng sinanay ang sarili ko na masaya namang mag-isa
Anim , Anim na letra kung bakit wala pa ? Ako'y kasi ay patuloy na "UMAASA"
Pito , Pitong araw kong nag-isip kung tatanggapin ko ba na hanggang dito lang ako sa kanya na hanggang kaibigan lang niya
Walo , Walong letra din ang dahilan kung bakit nga ba ? Nahulog ako pero " DI SINALO "
Siyam , Siyam na dahilan na at ito talaga ang pinakadahilan kung bakit nga ba ? "STUDY FIRST " ito ang sinabi sakin ng aking magulang ang salitang ayaw niyong paniwalaan
Sampu , sampung beses hindi pala maraming beses na akong nasaktan ng lecheng pag-ibig na di naman ako inibig dahil sa pag-ibig na ito ako lang umiibig kaya parang ayoko ng umiibig sapagkat alam ko na agad kung saan magsisimula at magtatapos kaya sapat na ba ang sampung dahilan ko kung bakit nga ba?