Sabi niya
Ni : Joanna Marie BanggiacanSabay-sabay nating isipin yung taong nagsasabing mahal daw nila tayo
Ikaw din ba'y nalilito?
Siya ba dapat ay pagkatiwalaan mo?
Yung mga linyahan niyang pangbobola sayo
Nabilog ka sa mga salitang niyang nakakaasado?
Yung salita niyang sarap pakinggan segu-segundo
Naalala mo naman siguro yun ano?
Kabisadong-kabisado mo
Diba tandang-tanda mo
Sabi niya pa nga sayo--
Liligawan kita kahit ayaw mo
Liligawan kita kahit di mo ko gusto
Liligawan kita kahit ultimo tadhana ang kalaban ko
O isama mo na rin si Kupido pati na rin ang karibal ko
Oo yun ang lalaking gustong-gusto mo
Sarap pakinggan ano?
Iyang salitang sinasabi niya sayo
Paulit-ulit man pero tumatama sa puso mo
Napapangiti ang labi mo
Kaya lang may bumabagabag sa puso mo
Yung mga salita niyang nakakataba ng puso
Ayun din ang salita ng lalaking nanakit sa puso mo
Ngayon napapakunot noo
Napapailing ang iyong ulo
Magkapareho ng salita ang lalaki nananikit sayo at ang lalaki kumakatok sa puso mo
Ikakatiwala mo ba ang puso mo?
Sa lalaking nagmamahal sayo
Ang hirap ikatiwala iyan ang nasa isip mo
Baka sasaktan niya rin ako dugtong mo
Pwede namang muling ikatiwala ang puso iyan ang nasa puso mo
Nagtatalo na ang puso at isip mo
Sino ba dapat ang masunod sa dalawang nagtatalo?
Ang puso mo nagsasabing ipagkatiwala mo
O sa isip mong nagsasabing wag na sasaktan niya rin ako
Hulaan ko ang sagot mo
Di ka nakapili sa dalawang nagtatalo
Kaya ayun yung taong nagmamahal sayo
Inaantay ang sagot mo
Hanggang sa sinasabi mo sa kanya ang totoo
Pinilit niyang sagutin mo siya ng OO
pero dahil takot kang masaktan ng todo
Natakot kang baka masaktan muli ang puso mo
Pinaalis mo siya sa buhay mo
Hanggang sa bigla nalang nawala yung taong nagmamahal sayo
Doon mo nalaman na siya pala ang bubuo sayo
Ang bubuo sa puso mong winasak ng ibang tao
Siya pala yung taong dapat pagkatiwalaan mo
Ang taong mag-aalaaga sayo
Siya pala iyon matagal mo ng inaantay na darating sayo
Kaya lang pinaalis mo siya sa buhay mo
Nalungkot nanaman ang puso mo
Doon mo nalaman na siya na pala ang nilalaman ng puso mo
Ngayon mag-isa ka hindi na bukas ang puso mo sa iba
Inaantay mo siya
Kahit wala ng kasiguraduhang babalik pa siya
Dahil ikaw mismo ang nagsabi sa kanya
Ikaw mismo ang nagpaalis sa kanya
Ngayon kung kailan wala na
Nababaliw ka
Umiiyak ka
Ito ang kinatatakutan natin kapag di natin pinagkatiwala ang puso natin sa iba dahil nga hirap na hirap tayong ikatiwala
Ganitong-ganito ang nagyayari pero tandaan mo masasaktan parin talaga tayo kahit ano ang piliin sa dalawang nagtatalo
Sa isip mo wag na sasaktan niya rin ako
Ito yun masasaktan ka naman kapag nawala na siya sa buhay mo
Sa puso mo namang nagsasabing ipagkatiwala mo
Iyun naman yung kapag pinagkatiwala mo na doon naman masisira ang tiwala mo
Naguguluhan kaba ?
Ganyan talaga ang pagmamahal
Wag ka ng magtaka
Kahit anong piliiin mo
Masasaktan at masasaktan ka
Iyon lang ang palaging tatandaan mo
Parang paghinga lang ang pagmamahal
Kung hirap ka ng huminga tumigil na
Kung kaya mo pa huminga ka
Kung sa pagmamahal kung nahihirapan ka ng ikatiwala wag na
Kung kaya mo pa naman magmahal ka pa
Doon tayo bumalik sa sinabi niya
Mahal ka niya
Kung ayaw mong mawala siya
Sabihin muna
Kung ayaw mo sa kanya
Sabihin muna
Dahil kahit anong sabihin niya
Nasayo ang alas kung sasabak ka
Tandaan mo ang katagang ito bago pa matapos ang tula ko
Walang nagmamahal na di nasasaktan
Tandaan mo din ito wag maniwala agad sa sinasabi niya
Dahil ang salita ay dapat ginagawa