Pwede pa

13 0 0
                                    

Pumikat ka , ang dilim diba?
Ganyan na ganyan yung araw na lumisan ka
Sabi mo pa nga , di ka sigurado kung ako'y ginusto ba
Kaya ayun naiwan akong mag-isa
Wala akong nagawa kundi ang lumuha
Wala kasi akong karapatan kaya hinayaan na kitang sumama sa iba
Doon ka naman naging masaya kaya bakit ako'y magugulo pa?
Kitang-kita naman sa iyong mata na masaya kang kasama siya
Habang ako lumuluha kasi wala ka na
Nasanay pa naman akong kasama ka , ang hirap muling mag-umpisa
Yung mundong kinulayan nating dalawa ay ikaw pala mismo ang sisira
Yung mga pangarap na binuo natin ay hawak ko na lang talaga
Naalala ko tuloy bigla , diba dati ako pa yung gustong-gusto mong kasama at makasama
Sabagay lahat nagbabago kapag nagsawa
Nagsawa kang maghintay sa " Oo" na di ko pa maibigay
Kaya lahat ng pangako ay tuluyang sa iba mo inalay
Kaya nung lumisan ka tuluyan ng nasira ang lahat ng binuo nating dalawa
Hirap ng bumangon sa umaga
Iniisip na sana panaginip na lang lahat ng yun kaso hindi , totoong umalis ka na
Subalit ngayon bumalik ka ,
Saan ka naman humugot ng lakas ng loob para magparamdam pa
Inilawan mo nanaman ang isip ko kaya at tuluyang nagliwanag ang mga ala-ala
Kaya lang maya't-maya nawawala na
Katulad ng pangako mong tinupad mo sa iba 
Nandito ka muli para tanungin ako ng " pwede pa ? " sabay dugtong ng " Aantayan na kita"
Huminga ako ng malalim sabay ngumiti ,
Hindi na , tanggap ko na tsaka para saan pa ang tanong mong pwede pa?
Kung sa una di mo na kinaya
Uulit pa ba ako sa bagay na naramdaman ko na?
Aasa pa ba akong maibabalik pa?
O hindi mo na muling masasaktan pa
Edi ba nagawa mo na nga nung una
Paano pa kaya sa pangalawa?
Sa pangatlo , diba ang tanga na?
Kaya yang salitang mong pwede pa ay di yan para sating dalawa
Para na yan sa taong bago mong makikilala
Huli na  ang pwede pa ,
Kung pupwede ba?
Kapag nagkagusto ka na
Kapag nagbigay motibo ka
Ligawan mo na
Siguraduhin mo ding paninindigan mo siya
Ipaglalaban mo siya
Siya na yung ihaharap mo kay bathala at maging sa iyong ina't ama
Para sa huli di ka basta-basta bibitaw ng salita
At magsisi kung kailan huli na , hawak na ng iba

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tula ni JMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon