Asang-asa

70 3 0
                                        


Umiiyak tuwing gabi
Iniisip tama ba o mali
Ang magmahal ,
Kahit sobra nang nasasaktan


Asang-asa ako
Sabagay na alam kong hindi ako sigurado
Gusto kita  ayan lang ang alam ko
Pwede bang gustuhin mo rin ang tulad ko


Umaasa pa ako sayo 
Asang-asa pa kasi ako 
Bakit pa ako umaasa ?
Kung alam ko naman na hindi ako ang gusto mong makasama


Pwede bang lumayo
Kahit na alam kong mas-masasaktan ako
Ayoko nang maging tanga sa harapan mo
Palaging umiiyak at nanlilimos ng pagmamahal mo


Asang-asa ko na kapag lumayo ako
Marerealize mo ang halaga ko
Nagkamali ako sino ba ako sayo ?
Ako lang naman ang taong nagmamahal at nagpapakatanga sayo


Asang-asa ako na sana pwedeng maging tayo
Umaasa parin ako kahit na nasasaktan na ako
Asang-asa ako sana ako nalang ang iibigin mo
Sana ako nalang ang taong minahal mo


Ano pa bang dapat kong gawin?
Ano pa ba dapat kong baguhin?
Ano pa ba ang kulang sakin?
Ano pa ba ang wala sakin ?


Asang-asa ako ni minsan nagkagusto ka rin ba sakin?
Malang hindi, hindi mo ko kayang gustuhin
Bakit nga ba hindi?
Bakit nga ba hindi nalang ako?


Asang-asa ako
Kahit na nagmumukha na akong tanga sa harapan nila at sayo
Anong magagawa ko ,
Isang ngiti mo lang magpapakatanga nanaman ako sayo





Tula ni JMMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon