Madaling araw na
Iniisip parin kita
Ako ba'y iniisip muna
Mali pala
Sumagi na ba ako sa isip mo sinta?
Puso ko nag-iingay kaya hanggang ngayon nakadilat pa
Pangalan mo ang palaging sinigaw
Kaya ingay sa loob ng puso ko umaalingawngae
Dumagdag pa ang ingay ng aso at pusa kaya di maipikit ang mga mata
Sinta?
Ako ba'y naisip muna?
Ay tanga
Ang tanga ko sa parte na yun sinta
Paano mo pala ako maiisip kung di mo naman ako kilala?
Sinta ,
Hindi parin ba sapat yung pagsulyap ko sayo at biglang magtatama ang ating mata
Yung pagtawag ko ng pangalan mo at biglang mapapalingon ka kaya magtatama nanaman ang ating mata
Yung minsang nagkasalubong tayong dalawa
Minsan nga nagtama yung braso nating dalawa
Naramdaman mo ba yung mga dumadaloy na kuryente sa katawan nating dalawa?
Nahahalata mo rin ba kapag ako'y kinikilig na?
Yung ngiti ko kapag nakikita-kita
Yung kapag naglilikot ako dahil nakita nanaman kita
O kaya kapag palagi tayong nagkakasalubong dalawa
Parang tadhana kumbaga
Baka pati yun di mo napapansin
Manhid ka nga talaga
Padaan-daan na ako sa iyong harapan pero di mo parin ako makita
Talaga bang nabubulag ang mata kapag umiibig ka
Bulag ka , bulag tayong dalawa
Siya lang ang tinitignan ng iyong mga mata
Sabagay mahal mo siya
Ako ? Nevermind tuloy ko na ang tula gamit ang lapis at pambura
Ganun siguro talaga
Kahit kasi ako , ikaw lang ang malinaw kahit malayo ka at minsan nga kahit saang anggulo pa
Bakit ba ganun kapag umiibig ka?
Di mo na makita yung iba
Ganun ba talaga?
Paano kung di naman kayo ang itinadhana?
Sinta , alam kong mahal mo siya
May kayo nga
Tayo wala
Dahil nga bulag ka
Ako pala sayo'y nakatadhana
Di mo naman ako makita
Kaya kayong dalawa
Biglang mag-aaway at maghihiwalay
Shempre si tadhana palaging bida
Magkikita nanaman tayong dalawa
Kumbaga sa istorya magkikita ang dalawang bida
Habang umiiyak ka
Ako naman ang magpupunas ng luha sa iyong mata
Hanggang sa palaging mo na akong maalala dahil nung araw na umiiyak ka ako ang napatigil ng luha sa iyong mata
Ako ng iyong kasama
Pinaiyak ka niya samantalang ako
Ayokong nakikita-kitang lumuluha
Mapapansin na ako ng iyong mata
Hahanapin na ako na iyong mata
Kapag nagkita ulit tayong dalawa
Kakausapin mo na ako at ikaw pa mismo ang unang magpapakilala
Kahit matagal na kitang kilala
Shempre magkukunwari ako para di halata
Depende nalang sayo yun kung hindi ka manhid nung una
Dahil ako'y iyong naalala
Sabi mo minsan mo na akong nakita
Napatawa nalang ako sa isip dahil hindi naman minsan , palagi kaya akong nagpapakita
Hanggang sa nagkamabutihan tayong dalawa
Palagi na tayong magkasama
Nakalimutan mo na yata siya
Kasi inamin mo na
Inamin mong ako'y mahal mo na
Dahil nga parehong nahulog na
Kahit ang totoo ako'y matagal ng nahulog at ikaw lang talaga ang inaantay kong mahulog
Shempre tuwang-tuwa na ako dahil tayo na
Kumikislap ang aking mata
Ang labi ko'y sobra na ang ngiti dahil abot tenga
Ang saya
Sana di na matapos ang saya
Kaya lang ang mga sinabi ko ay imahinasyon
Galing sa isip
Nabuo lang ng isip
Kathang isip
Masakit isipin
Na hindi ka talaga para sakin
Kaya ako'y bubuo ng masayang kwento na tayong dalawa ang bida kaysa isipin kong ikaw ay di para sakin talaga
Ngayon natapos ko ang paasang kwentong nabuo ng aking isipan
Bakit yung nararamdaman ko di ko matapos ng mabilisan ?
Isang katangahan nanaman ang nabuo ng aking isipan
Isang kabobohan
Paano ko matatapos ng mabilisan
Kung palagi kitang iisipin
Gagawa pa ng kwentong sarili ko ding ang papaasahin
Tapos sisihin kita kapag ako'y nasaktan sa sarili kong paraan
Isang kabobohan
Tanga-tangahan
Para akong naglalaro ng taya-tayaan
Mag-isang tumatakbo ng walang naghahabol
Mag-isang nagsasaya
Tapos sa dulo mag-isang iiyak dahil sobra na
Sobra na ang pag-iisip ko ng kathang isip
Sobra na yung niluluha ng aking mata
Puro katangahan lang ang aking ginagawa
Sabagay sabi naman nila
Sa pag-ibig
Uso ang tanga
Kaya lang sobra na ko na palang tanga
Nasakin na nga ang korona
Ms.Tanga nagmahal ng di naman siya kilala