Ang Kaibigan
Laging Nariyan
Magkasama kayo kahit saan
Kahit pa minsan ay bawal yan
Ang Kaibigan ko ang laging Kong kasama
Kahit saan man pumunta
Minsan na ako'y hindi payagan
Siya ang aking taga- paalam
Ang Kaibigan Ko
Ang laging nakikinig sa mga Kwento ko
Kahit pa tungkol sa mga Crush Ko
At shempre maging sa mga problema ko
Ako ay laging masaya
Dahil sa kaniya
Bawat oras na lumilipas
Boses ay gasgas
Sobrang Saya Talaga
Kapag siya ay aking kasama
Tawanang Wagas
At Saya na parang wala ng bukas
Akala ko palaging masaya
Pero hindi pala
Dumating kasi ang isang araw
Ang saya ay pumanaw
Ngayon ako'y nag-iisa
Iniisip kung sinong mali saming dalawa
Hindi na ako nag-dalawang isip pa
Kaya hinanap na kita
Natagpuan lamang kita
Sa lugar na palaging nating pinupuntahan
Nilapitan kita
Kaya Nagtama ang ating mga mata
Patawad ang Unang nating nasabi
Ngayon tayo ay nag-bati
Niyakap kita nang sobrang higpit
Sana hindi na tayo mag-away ulit
Pangako natin sa isa't isa
Kahit masira man ang saya
Mag-away man tayong dalawa
Hindi mapuputol ang pag-kakaibigan na binuo nating dalawa
