Kung papana ka muli kupido

40 2 0
                                    

Kupido bakit hindi ka asintado?
Pagpana nalang ang gagawin mo hindi pa puso ng taong gusto ko
Bakit sa iba pang puso
Bakit dun ba sa ayaw ko ang tinamaan mo
Bakit ka ganyan kupido?
Ayaw mo ba talagang maging masaya ako?
Ano ba talagang plano mo?
Magkakacrush ako tapos di naman ako crush
Magkakagusto ako tapos di naman ako gusto
Magmamahal ako tapos di nanaman ako mahal
Kupido naman bakit ka ganyan?
Palagi nalang akong nasasaktan
Ayoko na kupido susuko na ako sa laban
Palagi kasi akong luhaan
Hirap na hirap na akong lumaban
Sa laban na palagi akong talunan
Ang hirap manalo
Hindi kasi yung kanilang gusto
Kaya sana ,
Kung papana ka muli kupido ,
Wag na sana ,
Wag na sana   sa maling tao
Wag na sana  sa bulag na di makita ang halaga ko
Wag na sana sa taong di ako gusto


Tula ni JMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon