Masaya na ako

161 1 0
                                    

Masaya na ako kahit ako lang mag-isa
Masaya na ako kumain na walang kasama
Kaysa naman noon kasama kita pero nagtatago tayo sa iba
Nakakayanan ko na ulit ngumiti sa  kamera
Masaya na ulit ako lalo na nung
wala ka na
Oo masaya
Sa sobrang saya ko nga
Gusto kong magpaparty ng bongga
Naisip ko na sana noon pa
Noon pa sana ako bumitaw sa kamay mo
Sa kamay mo na hawak din naman ng  iba
Masaya na ako , masaya na
Hindi tulad noon na kasama
Yung tayong dalawa ?
Magkasama perp pinipilit  maging masaya
Kasi alam mo yun sa bawat araw na hawak mo ang kamay nating dalawa
Nag-uumpisa ng tumulo ang luha ko dahil kapag nandiyan na siya bibitawan mo na
Bibitawanan mo nalang kamay ko at hahawakan mo na ang kanya
Isa lang ang pinanghahawakan ko
Kaya hanggang ngayon nandito parin ako
Mahal mo ko diba ?
At sobrang mahal kita
Noon pa man sabi ko magiging masaya tayong dalawa dahil
mahal natin ang isa't-isa
Kaso hindi tayo magiging masaya kasi mahal mo ko at mahal mo din siya
Hindi pwedeng dalawa
Hindi Pwedeng dalawa ang laman ng puso mo
Habang tayo nagtatagl at siya'y pinakilala mo na iba
Paano tayo magiging masaya?
Kung hawak mo ang kamay ko pati ang kamay niya
Kung mahal mo siya sana siya nalang
Kung mahal mo ko sana ako lang
Hindi na kita kinulit pa
Nanatili tayong tinatago sa iba
Naniwala ako kasi mahal din naman kita , sobrang mahal kita
Minahal parin kita nun  kahit alam kong dalawa kaming mahal mo
Hindi ko kasi kayang bumitaw noon kasi sobrang pagmamahal ko sayo
Sabi ko pa noon hindi ako mapapagod na intindihin ka
Sabi ko pa noon hinding-hindi ako bibitaw sa kamay mo
Sabi ko pa noon kahit sobrang sakit na  mananatili parin ako sayo
Kaso hindi pala ganun kadaling manatili
Hindi ganun kadaling kumapit sa salitang mahal mo ko kung dalawa kami diyan sa puso ko
Panahon na siguro para pumili ka , pumili saming dalawa
Pinapili kita
Umiyak ka lamang sa harap ko
Ni hindi mo ko kinibo 
Anong ibigsabihin ng di mo pagsasalita?
Wala ka ba talagang balak magsalita?
O wala kang balak sabihin ang totoo?
Hanggang sa umamin ka
Huminto bigla ang mundo ko
Kung saan dalawa tayo
Dinurog ng salita mo ang puso ko
Ngayon ko na napagtanto
Hindi mo naman ako minahal
Sobrang  durog na durog na yung puso ko
Ginamit mo ang nararamdaman ko para masaktan mo ko at mapaniwala na mahal mo din ako
Sana nung una palang sinabi mo na,
Na hindi mo ko kayang mahalin
Hindi mo kayang mahalin ang tulad ko
Kaysa ganito pinaniwala  mo ko sa kasinungalingan na kahit kailan di magiging totoo
Kaya ngayon kung pagmamasdan mo ko
Kitang-kita mong nasanay akong mag-isa
Hindi na nagtiwala sa iba
Hindi na naniwala sa mga lalaking minahal naman ako talaga
Nahihirapan na muling magmahal ang puso ko
Pinatili kong sarado para walang  makapasok na manloloko
Alam ko namang sasaktan lang nila ako
Katulad ng ginawa mo
Katulad ng panloloko
Kaya ngayon sanay na sanay ako
Mas-masaya dahil wala ka na
At malayong masaktan na ng iba
Salamat dahil pinaramdam mo
pero hindi ko kailangan ng pagmamahal mo kung hindi naman totoo
Masaya na ako dahil hindi na nagmamahal ang puso ko
Masaya na ako kasama ang sarili ko
Masaya na ako dahil walang manggulo sa puso ko
Masaya na ako kaya sana wag ka na ring manggulo

Tula ni JMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon