Gusto mo
Maganda
Mabait
Matalino
Ang katangian na wala ako
Oo kung ano pa ang gusto mo
Sinaktong wala ako
Ang lupet mo
Hindi kasi ako kagandahan pero hindi rin naman ako kapangitan
Hindi rin ako mabait pero may konting taglay na kabaitan
Hindi ako matalino pero ako'y kayang makipagsabayan
Makipagsabayan gamit ang aking kaalaman
Hindi ako ang gusto mo kasi yung gusto mo wala ako
Oo wala ako sa gusto mo pero pipilitin ko
Pipilitin ko ang bagay na mahihirapan ako
Pipilitin ko gaya ng pagpilit ng sarili ko
Pagpilit ng sarili ko sayo kahit di ako ang gusto mo
Isang malalim na buntong hininga lang ang nagawa ko
Nahirapan ako
At napaisip ng sobrang lalim na pagiisip
Bakit ko babaguhin ang sarili ko ?
Bakit ko pipilitin kung yung gusto mo wala sakin ?
Pumatak ang mga luhang matagal kong inipon
dahil ayaw kong makita mo yun
Ayaw kong makita mo ang mata kong luhaan
Ayaw kong makita na ako't nahihirapan
Ayokong makita mong hindi ko kaya
Ayoko kong mawalan pag-asa
Napagtanto ko nga lang hindi ko kaya
Kaya lang ayoko mapunta sa iba
Isang araw gumising ako , pagod na
Sumusuko na palaHindi ko na pala talaga
Pinilit ko naman diba?
Maslalo nga lang nahirapan at hindi ka parin nakuha
Tinanggap ko na lang na , hindi ako kasi may iba