Piso na di pinapahalagahan
Sa huli mo malalaman ang kahalagahan
Kapag ika'y naubusan at nawalan
Nagbabakasakali na ba ka pwede pang balikan
Balikan kung saan kita iniwan
Nung nahulog ka hindi na kita pinulot pa
Aanhin kita kung marami naman akong reserba
Nung bigla silang naubos isa-isa
Dun ko nalaman na ika'y mahalaga
Sinubukan pa kitang balikan
Dahil alam ko pagbalik ko ika'y nariyan sa pwesto kung saan kita iniwan
Napatulala ako dahil may pumulot sayong iba
Sa kanya ka na ba?
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na akin ka
Pero naaala ko pinabayaan na kita
Akin ka parin ba ?
Nung nahulog ka
Sabi ko yun na ang aking tyempo para bawiin ka sa kanya
Ang kaso sinalo ka niya
Pinahalagaan ka niya
Samantalang ako
Nung nahulog ka
Pinabayaan lang kita
Dapat pa bang kunin kita?
Ngayong hawak ka ng iba
O pabayaan nalang kita dahil yun naman ang aking ginawa nung nahulog ka
Mahalaga ka pala
kaso sa huli ko na nalaman ang iyong halaga
Nung nawala ka at hawak ka ng ibaHugot hahaahaa