Pera ang unang dahilan
ng mga mag-kasintahan
Pera ang kanilang kalaban
Kaya ang pag-mamahalan
ay nauuwi sa isang madugong awayan
Nakakainis isipin ang pera ang palaging dahilan
Ng ikasisira ng kanilang samahan
Sa tagal ng panahon ,
Ang relasyon ay masisira lang
Bakit ganito?
Palagi nalang bang gulo?
Hindi naman palaging pera para maging masaya
Problema? Walang pera
Oo masaya kapag maraming kang hawak na barya
Yung lahat ay iyong gusto ay mahahawakan mo pero di lahat ay nabibili ng pera
Ang pagmamahal nabibili ba?
Pamilyang masaya ?
Hindi rin nabibili ng pera
Ang pera ay isang magiging dahilan ng kasiyahan
Na minsan ng mga taong walang pakialam sa nasa paligid niya
Dahil gusto ng isang taong sumaya pero para lamang sa sarili niya
Hindi nila naiisip ang iba
Oo na kayo na may pera
Pero sa oras na iyan ay naubos saan ka pupunta ?
Saan ka Pupunta?
Saan ka kakapit?
Sino ang mga taong tutulong sayo?
Sino?
Pamilya , Oo sa pamilya
Sa pamilya na binuo mo pero nasira mo dahil nasilaw ang iyong mga mata sa pera
Diba napaka-saya?
Napakasaya namin kahit minsan walang pera
Kailangan ng pera ?
Shempre pero sana ang pera ay gamitin sa tama na ikakasaya mo at ikakasaya din ng pamilya mo