Sa bawat araw , puro ikaw
Ikaw ang palaging nasaisip
Ikaw ang palaging bukambibig
Ikaw ang nagsisilbing ilaw
sa mundo kong walang kakulay-kulay
Madilim na , wala pang ingay
Ikaw ang nagsisilbing ngiti dahil sa mga matatamis mong salita na nagpapangiti ng aking labi
Na dati kinalimutan ang kasiyahan dahil pagod ng balikan ang mapait na nakaraan
Nakaraan na akala ko iyon na ang katapusan
Katapusan ng aking kasiyahan
Kasiyahan na pinalitan ng hikbi at kalungkutan
Simula nung ika'y dumating ang mundo kong madilim ay naging makulay
Kinalimutan na ang mapait na nakaraan
tinabunan ng matamis na kasalukuyan
Akala ko ikaw na
Ikaw na ang huli at aking makakasama
Dumating sa punto na
Katulad karin pala niya
Panandalian lang din ang kayang ibigay na saya
Sana nung una palang sinabi mo na
Nagsimula na namang magdilim ang mundo kong makulay
Unti-unting bumalik sa dating walang kakulay-kulay
Na akala ko hindi ko na mababalikan pero ngayon nandiyan nanaman
Nagsimula nanaman ang lahat
Nagdilim muli ang lahat animo'y isa-isang ng pumapatak
Na akala mo'y galing sa ulap
Na kapag pumatak ay magsisimula ang ulan na ayaw ng iilan
Katulad ng patak ng puting likido
ay hindi pwedeng pigilan