Option

52 1 0
                                    

Anim na letra
Madaming tao ang umaasa
Akala nila priority sila
Yun pala option lang pala
Ito yung habang ika'y sumasaya madaming kalakip na sakit ang iyong madadama
Kakausapin ka niya na parang napaka-importante mo sa kanya
May kamusta at kain ka na ahh
Tulog ka na at may kasamang sweetdreams pa
Ikaw naman tong marupok napapangiti ka
Akala mo pareho kayo ng nadadama
Yun pala kinakausap ka lang niya kasi wala yung kausap niya
Sa madaling salita hindi ikaw ang priority niya
Kinakausap ka lang kapag wala yung isa kasi alam niyang palaging nandiyan ka
Tama ako diba?
Habang ikaw natutuwa habang kausap mo siya
Habang ikaw unti-unting nasasanay sa atensyong binibigay niya
Hindi mo alam unti-unti ka ring inuubos niya
Paunti-unti ka niyang dinudurog hanggang sa mawasak ka
At iiwan ka niya ng walang pasabi kaya mapapaisip ka kung bakit bigla nalang siya nawala
Madaming tanong , ang daming bakit pero may isang ano?
Ano ba ako sa kanya?
Hindi mo alam ang sagot kaya tinanong mo siya
Tinanong mo siya kung ano nga ba ?
Isang nakakainsultong tawa ang narinig ng iyong tenga
Ang boses niyang dati napapangiti ka ngayon napapaluha ang iyong mata
Nakita niya ang luha sa inyong mata
Kaya paulit-ulit na pasensya ang naririnig mo sa kanya
Pasensya na kung option lang kita
Kung priority ko siya
Masaya naman akong kausap ka kaso mahal ko kasi siya
Ikaw hanggang usap lang talaga
Doon na binawi ang lahat ng saya
Sinira ng anim na letra

Tula ni JMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon