Pagkakaibigan

31 0 0
                                    

Maya't-maya ko napapansin
Mata mo sakin palaging nakatingin
Nung una di ko yun pinansin
Baka kasi hindi ako ang nais mong silipin
Hinayaan ko lang  hanggang ikaw umamin na bigla sakin
Mali pala sinabi nila ito'y sakin
Yung nga yung tinatago mong pagtingin
Napakunot noo na lamang  nung aking  isipin
Sabi nila maniwala daw ako sa iyong sasabihin
Ano tong mga salita nilang parang alam nila ang iyong bibigkasin
Umamin ka nga sa akin
Nais mo rin ba akong guluhin?
Nais mo rin ba ako sirain?
Baliwin at iwan lang din
Pareho ka ba nila bakit bigla ka kasing naging ganyan sakin?
Isang salita ang gumulo bigla sakin
Paniwalaan kita sa iyong sasabihin?
Tama ba ito napapakikingan ko parang awitin
Masarap pakinggan sa tenga pero magulo kung iisipin
Halos matawa na lamang ng bigla mo itong sabihin
Hindi ko mawari na iyon ang iyong bibigkasin
Magkaibigan tayo hindi ba bakit mo ko pinaglalaruan din?
Iyon ang una kong nabigkas ng ipagtapat mo sa akin
Ang iyong tinatagong damdamin
Pasensya ako'y naguguluhan din
Mali ito kilala kita at alam ko ang nais mo sakin
Alam ko rin na ang iyong damdamin
Wag mo kong aliwin
Wag mo kong bihagin
Mga salita mo'y di ko dapat isipin
Sinubukan kita palayuin
Ayoko masira ang binubuong pagkakaibigan natin
Ako'y naguguluhan ng bigla mong pag-amin
Maniwala ka sakin
Alam ko rin ang huli mong babanggitin
Alam ko kasi sa puntong ito alam ko na ang kakahantungan ng iyong pag-amin
Hindi mo ba naisip baka masira bigla kung anong meron satin?
Napatanong din ako bigla dahil sa iyong pag-amin
Ano ba ang dapat kong gawin?
Lalayuan ba kita o bibigyan kita ng pagkakataong ilapat ang tunay mong pakay sakin
Patawarin mo ko dahil natatakot lang din
Baka sa puntong ito mawala ka sakin
Kaibigan kita pero bakit mo ko iibigin?
Ngayon sabihin mo sakin bakit bigla kang bibigkas ng ganyan di mo muna siguraduhin
Ayoko lang naman na mawala ka sakin
Kung talagang sigurado ka sa iyong damdamin
Hintayin mo na lang din kung magiging pareho ang ating hangarin
Kaya sana saking pagpili ako'y iyong patawarin
Hindi ko lang kayang itaya ang pagkakaibigan natin

Tula ni JMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon