Inibig kita pero ikaw ay umibig sa iba

70 1 0
                                    

Akala ko may ibigsabihin na 
Yung mga mensahe  na minsan nag-aalala ka
Yung pag-tag mo sakin sa mga memes na sobrang mapapangiti ako talaga
Tapos ang saya nating dalawa habang panay hanap ng anggulo sa kamera
Bawat araw na kasama ka, iyon talaga ang pinakamasaya
Alam kong maraming nagtataka kung meron daw ba tayo na pinagkait sating dalawa
Ayaw pa nga daw nating sabihin sa kanila
Ngitian lang natin sila pero yung ngiti ko ay may sana
Sana magdilang anghel sila
Sa mga sinasabi nila  napaisip ako bigla
Napaisip ang isip kung ano bang meron sating dalawa?
Bigla akong nagtaka sa aking isip dahil alam naman niya kung anong meron sating dalawa
Diba magkaibigan tayo at hanggang doon lang yun diba?
Halos gabi-gabi akong nagtatanong kay bathala
Bakit hindi ikaw sakin nakatadhana?
Bakit hanggang pinagtagpo lang tayong dalawa?
Bakit hindi nalang ikaw at ako ang magsasama?
Bakit hanggang kaibigan lang ang meron sating dalawa?
Bakit hindi natin subukan baka isang araw ikaw at ako ay para talaga sa isa't-isa?
Kilala na naman natin ang isa't-isa
Hindi na tayo roon mahihirapan dahil alam natin kung paano natin mapapatahan ang matang naglalabas ng luha di kayang pigilan ng iba
Ikaw at ako lang ang magkakaintindihan kaya di na natin kailangan ng iba diba?
Ikaw at ako nalang kaya
Kahit hindi ikaw sakin nakatadhana
Kahit hindi ako ang babaeng para sayo pwede naman yun diba?
Tumigil bigla ang pagtibok ng puso ko ng makita ng mata ko ang pag-iling mo na halos ikamatay ng puso ko dahil alam ko kung anong ibigsabihin ng pag-iling ml diba nga kilalang-kilala natin ang isa't-isa kaya alam ko na
Alam ko na , alam ko na hindi pwede talaga
Ang pag-iling mo ay nagdulot ng sakit saking pusong nagakala na may pag-asa
Ang pag-iling mo ay nagdulot ng luha sa aking mata
Sa tagal nating magkasama ay hanggang dito lang pala ang parte ko sa buhay mo , hanggang kaibigan lang pala
Kaibigan lang pala kasi may gusto kang iba
May gusto kang iba , iba ang gusto mong kasama hindi ako kundi siya
Siya na gusto mo , siya na gusto ka
Sobra talagang pinagkait tayong dalawa at kayo ay talagang itinadhana
Ano pa bang laban ko eh hanggang dito lang ako diba?
Hanggang dito sa kaibigan diba?
Kaibigan mo ko pero inibig kita
Inibig kita pero ikaw ay umibig sa iba

Tula ni JMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon