Sabi niya

31 1 0
                                    

Liligawan kita kahit ayaw mo
Liligawan kita kahit di mo ko gusto
Liligawan kita kahit ultimo tadhana ang kalaban ko
O isama mo na rin si Kupido pati na rin ang mga karibal ko
At shempre yung lalaking gustong-gusto mo
Sarap pakinggan ano?
Paulit-ulit mong linyahan na pareho din ng taong nanakit sa puso ko
Oo ganyan rin yung sabi ng lalaking pinagkatiwalaan ko
Dapat pa ba akong maniwala sayo?
Eh masasabi kong tingin ko palang ay pareho na kayo
Sasaktan mo rin naman ako
Mapapako lang lahat ng mga pangako
Tapos tutulo ang di ko mabilang-bilang na agos ng luha sa mata ko
Iiyak lang ako , iiyakan lang din kita kapag nasanay mo tas iiwan mo
Tapos ikaw magsasaya habang ako nagdurusa sa pinaramdam mo
Kaya nakikiusap lang , tama na ang mabubulaklak na salita mo
Iyang mabubulaklak na salita na lumalabas sa bibig mo ay ginago lang ako
Mapanakit na mga matatamis na salita at gawang di naman maaari kung ano
Pansamantala lang yan kaya tigilan mo ko
Pansamantalang saya pero sobra-sobra yung sakit na dadalhin ko
Pansamantalang kilig pero ang sakit ay aabot sa nginig
Pansamantala lang naman ang lahat
Ultimo yang " Gusto kita"
Di bukal sa loob mo
Ikaw lang ang gusto ko pero dalawa at tatlo pala ang sinasabihan mo
Ayoko ng mabubulak na salita mo
Ayoko ng masaktan sa paulit-ulit na dahilan at matatamis na pangako
Ayoko ng maniwala dahil palagi lang akong niloloko
Ayoko ng magpaloko
Aanhin ko ang mga sabi mo
Kung di ko naman maramdaman na totoo
Kung manhid na rin ang puso ko
Bawat lalaking kumakatok kasi ay sinasaktan lamang ako
Nadala na ako dahil lahat sila ginago ako ,
Pinaglaruan, sinaktan , di pinandigan at iniwan lamang ang puso kong ginamit ng pandaliang kasiyahan
Ngayon sabihin mo saking iba ka sa kanila , na iba ang intensyon mo
Kung bawat salita niyo'y pare-pareho
Pareho-parehong pinagloloko lang ako
Bigla mong pinaliwanag ng buong-buo ang nararamdaman mo
Ipinaramdam mo sa puso ko Kahit alam kong takot ako
Nagtaka ako bakit biglang ngumiti at di ko mapigilan ang nararamdaman ko
Sabi mo maniwala lang ako sasamahan mo akong mabuo ang puso ko maging ang tiwala ko
Sabi mo , di mo ko pipilitin basta sasamahan mo lang ako kahit hindi ikaw ang piliin ko
Parang nagbago ang panahon
Nakalimutan ko yata ang mapait na kahapon
Nandito nanaman kasi ako
Itataya ko nanaman ang puso at tiwala
Kahit dalawa lang naman pwedeng mangyari
Mananalo at ngingiti
O matatalo at uuwing may hapdi
Ngunit kakapit akong muli
Susubok muli
Dahil iyon ang sabi mo
At hindi naman ako nabigo dahil iba ka nga sa mga lalaking dumaan lamang sa buhay ko
Kung sila dinurog nila ang puso ko pero ikaw unti-unti mong binuo mo , katulad ng sabi mong sasamahan mo ko

Tula ni JMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon