Akala niyo malakas ako
Akala niyo matapang ako
Akala niyo hindi ako nasasaktan
Akala niyo hindi ako umiiyak
Sa tingin niyo ba ano ako?
Tao ako nararanasan ko
Ang mga nararanasan niyo
Kaso marunong lang ako magtago
Itago ang lahat
Dun kasi ako magaling
Itago ang tunay nararamdaman
Para hindi niyo ko husgahan
Pero kahit ano palang ang aking gawin
May masasabi parin
Minsan naitanong ko sa sarili ko
May mali ba sakin
Malakas ako
Matapang ako
Hindi ako nasasaktan
Hindi ako umiiyak
Diba ayan ang nakikita niyo?
Pero hindi niyo alam kung sino ako
Yung taong nasasaktan at umiiyak ng mag-isa
Mag-isang lumuluha at unan ang karamay sa sakit na dinadala
Hindi niyo ko lubusang kilala
Kilala niyo lang ang pangalan ko
Pero hindi ang tunay na ako
Yung ako mismo ang hindi niyo kilala
Akala niyo ba palagi akong masaya dahil sa aking mata
Mali ka iba kasi ang iyong nakikita
Kapag ako nag-iisa luha ang pumapatak sa aking mata
Labi ko'y lumulungkot na
Yung ngiti na akala ko habang buhay na
Pero hindi pala
Dahil may tao sa paligid ko
Sinisira ang kaligayan ko
Akala niyo pa-easy easy lang ako
Nahihirapan din ako
Pero hindi ko pinapakitang ganun ako
Dahil may tiwala ako sa sarili ko
Na kaya ko ang lahat
Kahit may mga taong binabagsak ang pagkatao ko
Akala niyo susuko ako
Hindi ako katulad ng ibang tao
Iba ako sa kanila
At kahit kailan hindi ako magiging sila
Iba-iba kasi ang mga tao
Kaya ibahin mo ang tulad ko
