Parang dati lang kinaya ko pa pero ngayon ,pagod na
Pagod na pagod nang umasa dahil sonrang sakit na
Dati rati kayang-kaya ko pero lahat nagbabago
Nagbago na ang dating kaya ko pa
Ngayon kasi hindi ko na kaya
Pagod na kasi ako ,
Pagod na akong magpakatanga sayo
Pagod na akong hintayin ka
Pagod na akong titigan ka habang masaya sa iba
Siguro ito na yung panahon Kailangan ko nang magpahinga
Ipahinga ang puso kong nagpapakatanga
Ayoko na! Tama na
Tama na ako'y napapagod na
Pagod na akong umiyak
Puso ko'y nabibiyak
Pagod na akong magpanggap na okay lang sakin ang lahat
Panahon na para kalimutan ka
Itigil na ang kilig kapag nakikita ka
Nakakapagod din pala
Akala ko'y sanay na
Pagod na
Pagod nang umasa
Umasa sa taong hindi naman ako binigyan ng halaga
Akala ko kaya ko pa sapagkat hindi na pala
Wala na ,
Wala nang manggugulo sayo
Kaya alam kong ika'y masaya na dahil ako'y tumigil na