Pansamantala lang pala

72 2 0
                                    


Pansamantala lang pala
Yung saya nung kasama kita
Yung kilig at ngiting abot tenga
Yung pula ng aking mukha dahil sa matatamis mong salita

Pansamantala lang pala
Yung lahat ng araw na ako'y masaya at magkahawak ang kamay nating dalawa
Pansamantala dahil hindi ako siya
Hindi ako siya , hindi ako yung mahal mo

Alam ko naman na ganito
Simula't-sapul siya na ang mahal mo
Anong ba ang  magagawa ko
Siya ang tinitibok ng puso mo

Ang nakakainis lang
Pansamantala lang
Yung lahat ng ating pinagsamahan
At kahit kailan hindi ko masasabihang ika'y naging akin

Hawak mo lang ang kamay ko
pero wala akong narinig na salitang mahal mo din ako
Ang natatandaan ko lang na sinabi mo yung inamin ko ang tunay na nararamdaman ko
Mahal mo ay iba hindi ako

Ang sakit sa tenga ng mga binibigkas mo pero hindi ko magawang magalit sayo
Minahal kasi kita kahit alam kong may mahal ka na
Ang sakit sakit kasi pinabayaan ko lang na saktan mo ko at mahulog lalo sayo
Hindi na ako makabangon sa sobrang lalim ng pagkahulog ko kaya hanggang ngayon bumabagsak nalang paunti-unti ang mga luha ko hanggang sa hindi ko alam kung may nilalabas pa ba ang mata ko

Pansamantala lang pala
Yung ngiti kong abot tenga kasi ngayon nagbago na
Tignan mo at pagmasdan mo ang ngiti kong pilit , pilit na pilit dahil sobra ng sakit
Nakatingin kasi ako sayo habang hawak mo ang kamay ng taong mahal mo at ang ngiti ng labi mo habang nakatingin sa kaniyang mga mata habang ako'y lumuluha ng sobra

Pansamantala lang pala
Sana pati itong sakit na aking dala-dala
Sana pati itong sugat sa puso kong minahal ka
Sana maalis bigla para ako'y di mukhang kaawa-awa

Pansamantala lang pala
Habang ikaw ay sobrang saya sa piling niya
Samantala ako'y umaasa na sana'y naging akin ka
Sana naging akin ka kasi ako naging sayo kahit hindi naman ika'y naging akin talaga

Tula ni JMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon