Hanggang dito nalang ba?

204 4 0
                                    


Hanggang dito nalang ba ?
Isang tanong na napakasakit marinig ang isang kasagutan
Oo at Hindi lang naman pero may posibilidad na lahat ay magwawakas
Magwawakas  yung pinagsamahan nating dalawa
Sabagay para tayong nasa isang kwento , kwento na may hangganan at may katapusan
Pero nasa isang reyalidad tayo walang manunulat na magsusulat kung hanggang saan lang ang ating kwento
Diba hanggang dulo tayo?
Diba mahal mo ako ?
Mahal na mahal mo ko
Diba nangako ka  hinding-hindi mo ko iiwanan pero kumalas ka at ako'y iyong binitawan
Ngayon ay isa lang ang gusto kong gawin ay yung hintayin ka
Hihintayin kita dahil alam kong babalik ka
Babalik ka at magsisimula muli tayo
At yung pangako ay tutuparin ulit nating dalawa kaya alam kong babalikan ka
Isang taon
Isan taon akong naghintay
Naghintay sa taong iba na ang hinihintay
Sapat na siguro ang  paghihintay ko at ngayon alam ko na ang kasagutan sa aking mga katanungan
Masakit man malaman
Atleast hindi na ako magtatanga-tangahan
Alam ko na , na iba na ang mahal ng mahal ko
Iba na yung mahal mo at yung pangako mo , ipinako mo
Pinagmamasdan ko na lamang ang  kalangitan
Kung saan dati hawak mo kamay ko habang nakahiga tayo sa damuhan
Hawak mo rin pala yung kamay ko nung naglalakad tayo sa daan
Yung akala ko ay hindi mo ko  bibitawan pero akala ko lang pala dahil hindi ko akalain na ika'y kakalas kaya ako'y naiwan
Nagkita tayong muli at ito na din siguro ang huli
Hinawakan ko ang kamay mo ng hindi manlang tumagal lang ilang segundo
Dati masaya ka nung hinahawakan ko ang kamay mo
Ngayon nagliliyab ang mga mata mo
Galit ka ba ?
Diba dapat ako ang dapat magalit pero sakin ka nagagalit
Ikaw ka na nga yung naiwan
Ako parin yung may kasalanan
Iniwan mo muli ako at ngayon nasanay na ako
Nasanay na ako pero bakit may tumutulo parin sa mata ko
Yung pinagsamahan nating dalawa ay isa nalang alaala
Magandang alala , alala nating dalawa na punong-puno ng saya pero lahat yun ay kailangan kalimutan para di na masaktan
At ngayon ay  isa nalang iyong parte ng isang  panaginip , panaginip na kahit kailan ay hindi pwedeng ibalik








❤❤❤
Dedicate to marieloves16 ( Para sayo yan be ♡)

Tula ni JMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon