Hindi tubig sa gripo
Hindi tubig na nakalagay sa baso
Hindi tubig na iniinom ng tao
Kundi tubig galing sa mata koTubig na akala mo ay galing sa sirang gripo
Pero ang tubig na iyon ay galing sa mata ko mismo
Mata ko na sobrang naapektuhan dahil sa wasak na puso ko
Tubig na akala ko ,matatapos sa pag-agos pero hanggang nasasaktan ay patuloy na umaagosSobra na akong nasasaktan kaya ang mata ko ay luhaan
Tubig ang lumalabas ngunit hindi basta tubig lamang
Galing sa matang luhaan
Galing sa pusong sinugatanTama na! Tumigil ka na sa pagpatak
Nakakapagod nang umiyak
Umiyak ng umiyak habang ang puso ko'y sobrang wasak
Hindi na mabubuo dahil sobrang nabiyakKailan ka ba titigil sa pag-agos
Kailangan ka hihinto sa pagbuhos
Pagod na ako, pagod na akong punasan ang tubig sa mata ko
Pagod na ako , Pagod na akong umiyak , iyakan ang tulad moPwede na bang magkunwari?
Pwede na bang ngumiti?
Pwede na bang tumigil?
Pwede na bang itigil?Sirang gripo nga yata to
Hindi napapagod bumuhos ang tubig mata ko
Mukhang kailangan nang umigib dahil patuloy parin sa pag-buhos nito
Kahit pagod na ,
Lumalabas parin ang tubig kahit nahihirapan nang pumatak dahil pagod na pagod naTubig sa mata ko
Kahit anong agos mo
Hindi niya makikita ang halaga ko
Kahit mapalitan ng dugo ang tubig na lumalabas sayoDahil ang tubig ay nahihinto din
Ang tubig ay kaya ding pigilin
Kaya nung nakita niya ako wala ng tubig ang mata ko
Kaya nandiyan nanaman siya para paasahin sa ngiti niyang nakakahulog na hindi man makabangon dahil sobrang nakakabaliw ito