Gusto kita
pero
May gusto kang iba
Wala kang paki sakin
pero
May paki ako sayo
Dahil ikaw ang gusto ko
Sobrang saya ko
Hindi totoong
Nasasaktan na ako
Bakit kasi ganun?
Kahit malabong maging akin ka
Gusto Kita
Sana ako nalang siya
pero
Kahit balik-baliktarin man ang mundo
Siya parin ang gusto mo
Kahit nga magmakaawa pa ako sa harap mo
Siya parin naman ang gusto mo
Tinatanong pa ba to?
Maghihinayang ka kaya kung sakaling tumigil ako?
Kung okay lang sayo
Okay lang ba sayo?
pero
May tanong pa naman ako
Dapat pa bang gustuhin kita?
Dapat pa bang itanong?
Kung hanggang ngayon may gusto ka paring iba
Wala naman akong magagawa na
Basta alam ko lang gusto kita
Tanga na kung tanga
Gusto parin kita