Chapter 12 √

1K 56 7
                                    

[Kisses']

"So kitakits na lang tayo this Saturday, ha?" Nakangiting sabi ni Ate Mary pagkatapos ng meeting.

Sa wakas! Nafinalize na ang mga plano and four days from now, gaganapin na ang charity event sa Kanlungan ni Maria. It is an institute for the old people na wala ng pamilyang magkakalinga sa kanila. I heard some lolos and lolas there were abandoned by their families and it was so heartbreaking.

"Excited ka na?" Tanong sa 'kin ni Ate Mary habang naglalakad kami papunta sa main gate. It's already five in the afternoon kaya kailangan ko na talagang umuwi. My parents are already texting me nonstop, asking for my whereabouts.

Nakangiti akong ngumiti kay Ate Mary. "Oo naman, Ate. You know, event like this is a great opportunity and amazing experience for me. I love helping other people, walang kaechosan 'yon, ha."

She linked her arms around mine. "Alam ko naman, no. Ikaw na nga ang pinakamabuting taong nakilala ko, eh! Nagtataka nga ako kung bakit hindi ka pa nagkakaboyfriend hanggang ngayon. May hinihintay ka ba?" Nanunuksong sabi niya.

I frowned, "Wala, no." I purse my lips as I think of something, "And besides, ate, kaunti na lang ang gugustuhin ka because you're a good person."

Napanguso si Ate Mary habang napapaisip. "Kunsabagay. Pero maganda ka rin naman, ah? Kaya marami pa ring magkakagusto sa'yo. Ikaw lang naman 'tong nambabasted kaagad, eh." Napapailing niyang sabi.

Napangiti ako sa kanyang sinabi, "Well thank you for thinking that I'm pretty, pero tingin ko talaga, 'yong mga lalaki na mapapansin ka lang or magugustuhan ka lang dahil sa maganda ka, hindi sila worth na pag-risk ng heart ko. Physical attraction is shallow and not really a good foundation for a relationship. Well, that's what I think."

She rolled her eyes at me, "Pwede naman don magsimula. Tapos getting to know each other na, ganoon."

"Sa iba, yes. But I choose to wait for that guy who will see my worth, who will choose me over and over again kahit mapaligiran siya ng sobrang gandang girls and who will make me feel safe and secured. Their kind is one in a million, yes, but I'm willing to wait." Nangingiting sabi ko sa kanya.

"Hmm, parang Superman ganoon?" Tanong niya na dahilan ng mabilis kong paglingon sa kanya.

Agad ko ring iniwas ang aking tingin. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi, at the same time, ramdam ko rin ang guilt.

Si Ate Mary naman kasi. Sa lahat ng maiisip, 'yon pa!

Natawa siya sa pananahimik ko, "Naku, tama ako, no? May nag-aala-Superman siguro sa buhay mo ngayon? Si Marcus, no?" Nanunukso niyang tanong.

I forced a smile and shook my head. I chose not to say anything. Ayokong dagdagan ang kasalanan ko sa kanya.

If only I can answer her that 'Yes, it's Marcus.'-- but it isn't him. If she asked me that question a month ago, siguro I can still answer her without thinking twice and with honesty. But now... there's just one guy na pumasok sa isip ko nang itanong niya sa 'kin ang tanong na 'yon.

Kung may magagawa lang ako, I'd rather have a crush on my best friend than on someone whom my dear friend is in love with.

Gusto ko ang pagbagsak ng magkabilang balikat ko dahil sa naisip. So so wrong, Kisses.

✌✌✌

"Okay ka lang?" Tanong ni Yong habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko. Kasalukuyan kaming nasa garden nila Yong. Bigla ko kasi syang namiss kaya nagdesisyon akong dalawin sya. Pero nakalimutan kong iwan sa bahay namin ang mga issue ko sa buhay.

Their Kind of Love | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon