Chapter 39 √

813 36 22
                                    

"So, kumusta naman ang father ng kaibigan mo, anak?" Tanong ni Daddy sa'kin habang nagdidinner kami.

"Maayos naman, dad. Successful ang operation." Nakangiti kong sagot.

"That's good to hear."

Tumayo ako at saka lumapit sa kanila. I hugged them tightly. "Thank you, dad, mom."

"No problem, baby." Natatawang sabi ni Mommy. "By the way, kumusta ang pakiramdam mo nitong mga nakaraang araw?" Biglang tanong niya.

Payapa ang mga nagdaang araw para sa 'kin. Parang 'yung dati lang. Mag-aaral. Aasikasuhin ang mga activities ng org. Makikipag-bond sa mga kaibigan.

"Okay naman po, Mommy. No need to worry."

Payapa nga pero parang may kulang pa rin.

I always think na baka sumuko na siya sa 'kin. Bakit nga naman hindi, 'di ba? Matapos ng lahat ng sinabi ko sa kanya, martir na lang siya kung ipupush niya pa 'yung sa 'ming dalawa. Tsaka mukhang tama naman ang desisyon ko. Tahimik ang buhay namin kapag ganitong magkahiwalay kami. Tingin ko narealize niya rin 'yun.

Nakakalungkot ang isiping 'yun pero at least, para naman sa ikabubuti naming parehas. Kailangan lang magtiis. Time will come na makakalimutan rin naman lahat ng sakit ng nakaraan.

Lalim.

***

"Geez. Ang hot talaga ni Ford." Impit na sambit ni Ali habang sumisimsim sa juice niya.

Kanina pa siya nakatingin kay Ford na nasa kabilang table kasama ang mga kabarkada niya. Ford is Ali's ultimate crush.

"Bakit nga pala naisipan mong mag-hang out bigla?" Tanong ko sa kanya. Nagulat na lang kasi ako kanina nang bigla niya akong yayaing magbar. Hindi naman 'to 'yung bar kung saan puno ng mga kabataang wild at tipong dapat na i-raid ng mga police. Kaunting sayawan at inuman lang kaya pumayag na rin akong samahan si Ali. Akala ko kasi may mabigat na pinagdadaanan. Yun pala interesado lang siyang sundan si Ford at ang mga barkada nito.

"Narinig ko kasing may dine-date na raw si Ford."

Kinabahan naman ako bigla. "Aawayin mo?"

Hindi yata ako handang umawat ng nagsasabunutan kung sakali man.

Hindi sumagot si Ali at nagkibit balikat lang.

"Pag-isipan mo munang mabuti ang gagawin mo, Ali. Marami tayong mga schoolmates dito. And besides, hindi masosolusyunan ng karahasan ang unrequited love mo dyan kay Ford." Pangangaral ko sa kanya.

Bigla naman siyang humalakhak. "Geez, Kirs. I'm just kidding."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. "Pero hindi pa rin tayo pwede magtagal dito, ha? May pasok pa tayo bukas."

"Loosen up, girl." Ali said. "Let's dance?" Yaya niya sa 'kin.

Agad akong napailing. "Dito na lang ako."

Tumayo na siya at hinila ang kamay ko para maitayo ako. "Don't be such a killjoy."

Syempre hindi ako papatinag sa sinabi niya. Ni hindi ko na-imagine na makikipagsayaw ako sa bar. Kahit parang party party lang. "Hindi ako marunong sumayaw. Ikaw nalang."

Dismayado niyang binitiwan ang kamay ko. "You sure?"

"Yup. 'Wag ka makikipagsayaw kung kani-kanino, ha?" Bilin ko.

She smirked at me, "Susubukan ko nga kuhanin ang atensyon ni Ford eh." Sabi niya at bago pa ako makapagreact ay umalis na siya.

Geez. Ano ba ang iniisip niya? Kinakabahan ako sa mga plano niya. Pinilig ko ang ulo ko para hindi na isipin pa ang mga kalokohan ni Ali. Hindi naman siya nakainom ng kahit anong alcoholic beverage kaya hindi ako dapat mag-alala. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa chips sa mesa. Wala naman ako talagang interes sa mga ganitong klaseng lugar. Na-i-stress lang ako.

Their Kind of Love | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon