Chapter 45 - Final Chapter

641 35 15
                                    

Here's the final chapter. Maraming salamat sa pagbabasa! Hanggang sa susunod na istorya! ❤❤❤💋

👬💑👬

“Congratulations!!!” masayang salubong ni ate Mary pagkatapos ng graduation ceremony.

Natatawa akong yumakap sa kanya, “Congrats din, ate!”

Maluha-luha n'ya akong tiningnan. “Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot, eh.” Nakangusong sabi niya. Napailing na lang si Luis na nasa tabi niya.

“Of course you should be happy, ate. Finally!” masaya kong sabi at saka winagayway ang hawak kong diploma. Iba talaga sa pakiramdam ngayong hawak ko na ang proof ng mga paghihirap ko.

Napairap si ate Mary, “Paano ako magiging masyadong masaya? Bukod sa hindi na kita makikita parati, itong magaling na lalaki sa tabi ko,” matalim niyang tiningnan si Luis na napakamot na lang sa batok. Namutla siya nang harapin siya ni ate Mary habang nakapameywang. “Bakit ba kasi pinabayaan mo 'yung Math subject mo?” Iritadong tanong ni ate Mary.

“Come on, ‘My, I did my best but I guess my best wasn’t good enough.” Lungkot-lungkutan niyang sabi.

What the heck? 'My? As in Mommy? Pinigilan ko ang sarili ko sa pagtawa.

When ate Mary didn’t buy his drama, napabuntong-hininga siya at saka tinuro ako. “Si Ed din naman, ah. But he didn’t hear anything from Kisses.”

Nagtatakang bumaling sa akin si ate Mary. “Really?”

Kung alam lang nila. Geez.

I shrugged. “May mga gumawa na ng panenermon para sa akin.” Lihim akong napangiwi sa pag-iisip kay Yuan. Hay.

“Nasaan ba siya?” tanong ni Luis.

“He’s with my dad.” Sagot ko.

“O ayan na pala siya, eh.” Sabi naman ni ate Mary.

Nilingon ko ang lugar na tinitingnan ni ate at nakita si Yuan na lulugo-lugong papunta sa amin.

“You okay?” tanong ko pagkalapit niya. “Asan sila?” tukoy ko kila Daddy.

“Nasa kotse na. Tara na daw.” Matamlay na sagot niya sa 'kin. Bumaling siya kila Luis. “Dude, una na kami. Punta kayo kila Kisses, ha.”

“Makapag-aya ka naman parang ikaw ang may celebration.” Panunuya ni Luis. Matalim naman siyang tiningnan ni Yuan.

“Shut up, Luis. It’s not funny.” Iritado kong sabi. “Sige, ate. Punta na kami. See you later.” Paalam ko okay ate Mary. She smiled apologetically and nodded. Hinila ko naman na si Yuan paalis doon.

Nilingon ko siya at halata pa rin ang lungkot niya. Nag-aalala na ako sa kanya. I wonder kung anong pinag-usapan nila ni daddy.

I stopped on my track and faced him. “What is it? Anong nangyari?”

He sighed. “You must be ashamed of me.”

Napaawang ang mga labi ko dahil sa sinabi niya. “What?” Nanatili siyang nakatahimik. “Remember our promise? We will tell each other everything, right?”

Sa dami kasi ng napagdaanan ng relasyon namin, the main reason was our lack of communication. We tend to keep everything to ourselves, thinking that it was for the best, pero ayun, lagi lang nauuwi sa sakitan at misunderstandings.

He sighed again and held my hand. “I really want to be happy for you, baby. Well, I really am…” he caressed my hand with his thumb. “But you know, I already look forward to this day na sabay tayong ga-graduate…”

Their Kind of Love | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon