"Kisses."
Napatigil ako sa akmang paglabas nang tawagin niya ako.
"What is this again?" Malamig ang boses niyang tanong.
Napalunok ako at nanatili lang na nakatayo roon.
"Why am I hurting just by looking at your eyes?" Bahagyang nabasag ang kanyang boses.
Napasinghap ako sa sinabi niya. "I don't know... Cos... I also feel the same way." I said, almost in a whisper. Kahit nawalan ako ng lakas sa sinabi ko, sinikap ko pa ring igalaw ang mga binti ko at saka tuluyang lumabas at bumaba mula sa treehouse. Nagpatuloy lang ako sa paglayo mula sa kanya - without looking back.
Maybe we are just not really meant to be?
***
"Hey."
Ibinaling ko ang atensyon ko mula sa libro patungo sa tumawag sakin. Agad gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita si Marcus ilang dipa ang layo mula sa akin.
Nakangiti siyang lumapit sa 'kin at saka naupo sa bakanteng espasyo sa couch na inuupuan ko.
"So, how's my queen?" Nakangiti niyang tanong.
Napanguso ako at saka siya inirapan. "Why are you here with no pasalubong at all?"
He narrowed his eyes at me, "Tss. Am I not enough?"
Malambing akong ngumiti sa kanya. "How are you? Why didn't you tell me na nakauwi ka na?"
"Sto bene. I want to surprise you so..." He trailed off and gave me a cheeky grin. "You? Come stai?"
Napairap ako sa kanya. "Hey. You're not in Italy anymore!"
Natatawa naman niyang ginulo ang buhok ko. "I'm sorry. I'm just asking how are you."
Napaiwas ako ng tingin. "Ayos lang."
Tumingin ako sa kanya dahil sa pananahimik niya. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin. Tila binabasa ang nasa isip ko.
Malakas akong napabuntong-hininga at nag-make face sa kanya. "Wala ka ba talagang pasalubong for me?"
"Makakalimutan ba naman kita? Nasa kotse ang mga pasalubong ko sa'yo."
Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya. "Really?"
"Yep." Napapatango niyang sagot. "I heard you went to La Union?"
I bit my lower lip at inisip ang dapat isagot sa kanya. "Uh-huh."
"Anong ginawa mo dun?"
"Um, Luis invited us to come with him para sa kasal ng pinsan niya." Sagot ko. "I was with ate Mary."
He then nodded at me. "Well, nag-enjoy ka naman ba?"
Pinagpatong ko ang mga libro sa mesa sa harap ko. "Um, yup, of course. His relatives are nice. They made sure that we're comfortable in every way."
"Okay. That's good to hear." Sagot niya. "You want to go out?"
Nagtataka akong napatingin sa kanya. "Where to?"
"Mall? Let's watch some movie. My treat." He said and gave me a wink.
I smirked at him, "Well, who am I to say no?"
"Let's go then!" He said.
"Wait, I'll go change." Sabi ko at nagmamadaling tumayo bitbit ang mga libro ko. Sakto namang pagdating ni Lola Sylvia dala ang isang tray na may lamang juice at cake.
BINABASA MO ANG
Their Kind of Love | √
Teen FictionMay klase ng pag-ibig na pinagtagpo at pinahintulutan sapagkat itinadhana. Kahit ano man ang pagdaanan, isa't isa pa rin ang babalikan. Sana kabilang kami doon. Sana.