"Saan ka pupunta?"
Napatigil ako sa pagbukas ng pintuan nang marinig ko si ate Mary. Ramdam ko kaagad ang pag-init ng mga pisngi ko. Napapikit ako ng mariin.
"Wuy, Kisses?" Tanong niya ulit.
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya ng may pilit na ngiti.
"Hi, ate."
She narrowed her eyes at me. She put her hands on her waist while waiting for my answer. Gusto ko sanang biruin siya because her hair's sticking everywhere pero kinakabahan ako sa tingin niya.
Napatayo ako ng diretso at umiwas ng tingin sa kanya. I cleared my throat, "N- Nauuhaw ako, ate. Pupunta ako sa kusina para makainom."
She gave me a suspicious look. "Eh bakit para kang tatakas sa kulungan kung makaakto?"
"Huh?" Umarte akong nasurpresa sa sinabi niya. I even widened my eyes para makatotohanan. "Ate naman. Of course I can't be noisy. I should always be tahimik. Ayoko makaistorbo. Five a.m. pa lang. Baka tulog pa sila." Sabi ko at muling ngumiti.
Napangiwi siya sa sinabi ko. I mentally sighed. Even I want to cringe. I really suck at lying. "Sige na. Di na ko magtatanong. Gawin mo na ang gagawin mo." Sabi niya at bumalik sa kama niya.
"I'm just really going to get a glass of water." I said.
"Okay. Sabi mo, eh." I heard her mumbled.
Napanguso na lang ako at lumabas na ng kwarto. Geez. Bakit naman kasi ang aga-aga eh gustong makipagkita ni Yuan? Magkikita naman kami mamaya.
Pero kahit nagtataka, napangiti pa rin ako. I'm excited to see him. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Bahagya kong binilisan ang pagbaba.
"Ay!" Halos madulas ako nang bumungad sakin pagkalikong-pagkaliko ko ang nakangiting si Yuan. " Yuan! Papatayin mo ba ko?"
Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. "Sorry."
"You're saying sorry while your laughing?" Nakangiwi kong tanong sa kanya.
Napapailing siyang lumapit sa 'kin. "I can't stop myself from smiling and laughing. I'm so happy right now. So deal with it, okay?"
"Bakit masyado kang masaya ngayon? Parang ikaw ang ikakasal mamaya, ah?" Biro ko sa kanya.
"Because you're here with me. It feels great to start my day with you. I always dream of it. And now that my dream's finally happening into reality, I can't help but be very happy." He said while looking at me with so much joy and love in his eyes.
Unti-unti akong napangiti sa sinabi nya. "Yeah. It feels great and it makes me so happy, too."
He bit his lower lip to stifle his smile. Natawa na lang ako nang mahalata ang pinipigil niyang kilig. He reached for my hand and led me somewhere.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Napansin ko ang isang picnic box na hawak niya. "Ano yang dala mo?"
"Basta. Just wait. I'm sure you'll love it." Nakangiti niyang sabi.
"Here you go again with your surprises." Napapailing kong sabi.
"You know I love surprising you."
I smiled at him and moved closer to him. "I know." I said and pinched his cheek.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa likod ng mansion nila ate Maja. Hindi naman madilim since maraming ilaw sa paligid. It actually looks majestic! Maraming flowers at trees sa paligid.
"May ganito pala dito? Parang garden din."
"Yeah. Actually, it's not really a garden. These flowers, kusang tumutubo. Gusto ni Maja na natural lang lahat dito kaya hinahayaan lang nila. Dinadamuhan ng gardener nila pero bukod don, lahat ng to natural na."
BINABASA MO ANG
Their Kind of Love | √
Genç KurguMay klase ng pag-ibig na pinagtagpo at pinahintulutan sapagkat itinadhana. Kahit ano man ang pagdaanan, isa't isa pa rin ang babalikan. Sana kabilang kami doon. Sana.