"A-attend ka ba sa victory party ng foot ball team?" Tanong ni ate Mary habang kumakain kami ng siomai sa may harap ng university.
I shrugged, "Baka hindi, ate."
Nagtataka siyang tumingin sa 'kin, "Bakit?"
"I am not invited." Palusot ko. Of course invited ako. Pero ayoko talagang umattend. Hindi maganda ang kutob ko sa pag- attend sa victory party.
"Di ka inimbita ni Eduardo?" Di naniniwalang tanong ni ate Mary.
Naalala ko na naman kung paano niyakap ni Danielle si Yuan kanina nang matapos ang game. Ang sakit lang pero wala, eh. Ganun talaga.
Muli akong nagkibit-balikat at binaling ang usapan sa kanya. "How about you ate? Pupunta ka ba?" I asked.
"Yup. Pinilit ako ni Luis." Nakangiti niyang sagot.
Napangiti na lang din ako. I'm happy that she's now sincerely happy with Luis. I haven't told her yet about what happened between me and Yuan. I know she'd feel guilty kapag nalaman niya 'yun. Okay na siguro 'yung ako na lang ang nagsisisi.
"Pumunta ka na kasi. Isama mo si Marcus." Pamimilit niya. "Para naman may kasama ako dun."
"I'm not sure ate. I don't even think Marcus has any plan to go." Sabi ko.
Napangiwi naman siya. "Sige na! I'm sure maraming maghahanap sa 'yo dun mamaya."
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Sino naman, ate? They wouldn't even notice na wala ako, no."
Napabuntong hininga na lang siya. I know she has a lot to say but chose not to. "Fine. Hindi na lang din siguro ako pupunta." Sabi niya at hininto ang pagkain na tila nawalan ng gana.
Nagulat naman ako sa kanya. Geez. Kokonsensyahin na naman niya yata ako. "Ate, you should come. You already said yes to Luis, 'di ba?"
"Oo nga. Pero kahit na." Tila batang sabi niya.
Pero kahit naman anong gawin niya, desidido na ako. "Ate... I really can't come. I'm sorry."
***
Napatitig ako sa screen ng laptop ko. Kasalukuyan akong nag- a-upload ng pictures ng recent activity ng org namin. Nag-ba-browse muna ako sa news feed ko while waiting na matapos ang pag-a-upload when I saw pictures from the football team victory party. There's a picture of ate Mary with Luis kasama pa ang ibang schoolmates namin. They all look happy.
I smiled bitterly when I saw a picture of Yuan and Danielle. Accidentally lang sila actually naisama sa picture dahil nakatayo lang sila sa isang tabi habang mukhang nag-uusap.
I closed all the tabs and turned my laptop off. I didn't wait na matapos ang pag-a-upload ko. Baka mas marami pa akong ganoong picture na makita.
It's okay, Kisses. It's okay.
I took a deep breath at saka lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa may kusina. Ginutom ako sa nakita ko!
'Di ko alam kung gaano ako katagal na nakatulala sa may kitchen bago ako nag-decide kumain. Tahimik akong gumagawa ng nutella sandwich nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Kunot noo kong tiningnan ang phone ko at nakita ang pangalan ni Marcus. Sinagot ko agad 'yon at ni-loud speaker para maipagpatuloy ang ginagawa.
"Hello?"
"Hey, Kisses. Anong ginagawa mo?"
"Uhm, I'm making nutella sandwich. Why?"
"Ah. I'm just checking kung umattend ka ba sa party para sa foot ball team."
BINABASA MO ANG
Their Kind of Love | √
JugendliteraturMay klase ng pag-ibig na pinagtagpo at pinahintulutan sapagkat itinadhana. Kahit ano man ang pagdaanan, isa't isa pa rin ang babalikan. Sana kabilang kami doon. Sana.