Chapter 8 √

1.2K 63 13
                                    

[Kisses' point of view]

I feel so happy right now. Wala na talagang mas nakaka-fulfill na feeling than being able to be of help to other people. Ang saya lalo na kapag napapasaya mo rin ang ibang tao!

"Ate Kisses! Marami pong salamat!" sabi ni Ronron at yumakap sa 'kin.

Dali-dali ring lumapit si Janjan at nakiyakap, "Para ka pong anghel! Hulog ka po ng langit!"

Aweee. They are so sweet!

"Nah. She's more like wonderwoman." singit ni Yuan.

Napanguso naman ako upang pigilan ang aking ngiti. Bumitaw sila sa 'kin at kay Yuan naman yumakap.

"Salamat din po kuya Superman! Alagaan n'yo po si Ate Kisses, ha!"

Hindi ko na napigilan ang pagngiti nang pabirong guluhin ni Yuan ang mga buhok ng mga bata. "Of course. I'm Superman, right? And that's my job. Wait, not really a job but a purpose of living."

I puffed my cheeks nang maramdaman ang pag-iinit ng mga ito. 'Di ko kinaya ang pambobola n'ya!

Napakamot naman sa ulo sila Ronron. "Kuya, dapat 'pag nagkita tayo ulit, wala ng inglesan ah."

Natatawa namang tumatango-tango si Yuan. Ilang biruan at paalamanan pa ang nangyari bago kami tuluyang umuwi.

Napatingin ako kay Yuan habang nagba-bike kami pauwi sa aming mga bahay. I was very grateful dahil sinamahan niya ako ngayong araw. I felt like mas nakilala ko pa siya. And I don't know if it's only in my part pero tingin ko magkaibigan na talaga kami. Sobrang masaya ako na kasama ko s'ya ngayon.

Dati pa naman, I want to be friends with him na talaga. I always see him with his friends or with his team mates. He's quite popular but I'm kind of curious about him coz he's got that mysterious vibes. Ilang beses ko ngang gustong mag-feeling close sa kanya kaso, he's way too intimidating and not really approachable. But now that I'm getting to know him more, he's not what I think he is pala. He's more than just a beautiful face. He's not just a great football player. He's something more. And I'm excited to find out kung gaano nakaka-amaze ang personality niya.

I was pulled out of my thoughts and my eyes widened nang magregister sa'kin na madadaan ako sa isang malalim na lubak.

"Kisses!" nag-aalalang boses ni Yuan ang pumailanlang sa tenga ko.

Pikit-mata kong sinubukang iiwas ang bike at matapos ang ilang segundo, ramdam ko na lang ang pananakit ng siko at binti ko. I opened my eyes at nakita ang aking bike di-kalayuan sa harap ko na nakatumba.

"Kisses!" agad sumaklolo si Yuan sa 'kin. "Are you okay?!"

Sinubukan kong maupo mula sa pagkakalupasay sa daan. Napangiwi ako nang makita ang mga sugat na inabot ko. Namumula ang kaliwang braso ko at may gasgas ang siko ko. Ganoon rin ang kaliwang binti ko. Puro gasgas at bahagya pang dumudugo. I bit my lip as I started to feel the sting because of my wounds.

"Kisses? Hey... Tell me, what are you feeling? Your head? How's your head? Do you still remember me?" patuloy na pagpapanic ni Yuan

Sa kabila ng hapdi ng mga sugat ko, hindi ko pa rin mapigilan ang pagtawa. Ang cute nya kasi magpanic, eh!

I gave him a reassuring smile, "Yes, Yuyu, naaalala pa rin kita. And my head's fine. As you can see, konting wounds and scratches lang naman. It stings but I'm fine."

Tinitigan ako ni Yuan. His eyes narrowed as he tried to think of something. Napanguso na lang ako. He looks cute while thinking seriously. Hehe.

Muli akong napangiwi nang mas humapdi pa ang mga sugat ko. Dumadami na rin ang dugong lumalabas sa sugat ko sa tuhod. I started to feel uneasy and nervous.

Their Kind of Love | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon