[Kisses']
Nanatili akong nakatulala lang kay Ate Mary. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya.
Napakurap-kurap ako nang pumitik siya sa harap ko. "Wuy! Okay ka lang?" Natatawa niyang tanong.
"A-Ate... I don't understand..." I bit my lip as I tried to understand her. "Y-You like Yuan, right?"
Napaiwas siya ng tingin. "Oo."
"T-Then why are you saying na hayaan kong manligaw si Yuan sa 'kin? And you're not mad at me?" Labis ang pagtatakang tanong ko.
She sighed and smiled at me, "Kisses, oo, gusto ko si Eduardo. Pero hindi ibig sabihin noon e magpapakakontrabida na ako sa inyo. Ikaw ang gusto niya, eh, at tanggap ko 'yon. Hindi naman nakakapagtakang magkagusto siya sa 'yo. What's not to like about you?" She held my hand and I feel like crying. Sobra akong natatouch sa mga sinasabi niya. "Tsaka bakit naman ako magagalit sa 'yo? Hindi mo naman kasalanan na magkagusto sa 'yo si Eduardo - hindi naman kasalanan ang magkagustuhan kayo."
I sniffed and wiped the tears that fell from my eyes, "A-Akala ko kasi magagalit ka sa 'kin, eh."
"Ano ka ba! Wala tayo sa teleserye, 'no! Tsaka hindi ko rin pinangarap maging kontrabida!" Natatawang biro niya.
"Pero, ate, hindi ko alam if tama bang hayaan ko si Yuan na manligaw sa 'kin... You like him tapos magpapaligaw ako sa kanya? I don't - I don't think I can do that..." Malungkot kong sabi.
Muli siyang napa-buntong-hininga. "Hays. Ayan ka na naman. Tigilan mo na ang pag-iisip sa 'kin, okay? Aaminin ko, syempre medyo nasasaktan ako. Pero mawawala rin 'to, okay?" She rolled her eyes nang mapansin na hindi pa rin ako kumbinsido "Kahit naman hindi mo payagan 'yang si Eduardo at bastedin mo e hindi pa rin naman ako magugustuhan niyan. Sus. Sa gwapo ba naman ni Eduardo palalampasin mo pa? At least isa sa 'tin ang nakasungkit sa kaniya, 'no! Okay na 'yun!" Pabirong sabi niya na bahagya kong ikinatawa.
"Ewan ko, ate. Syempre you can't expect me not to think of your feelings first. And besides, una mo siyang nagustuhan." I pointed out while combing my hair. Unti-unting na-fi-fill ng hope 'yong heart ko!
"Ayan kasi, eh. Hindi na tayo mga bata para maging rason pa 'yang kesyo ako ang nauna bla bla! Ako nga nauna, ikaw naman ang mahal, 'di ba? Naku. Bahala ka. Unahin mo 'yang pag-iisip sakin. Baka hindi ka aware ha, ang daming nag-aabang sa atensyon niyang si Eduardo." Pagbabanta niya.
Napangiwi naman ako. "Aware ako, ate. Hindi rin naman ako nababahala sa bagay na 'yon."
Naks. Taas ng confidence ko, no? Ganyan siguro talaga pag wala namang binibigay na rason si Yuan para makaramdam ako ng selos or ma-threaten ako sa ibang girls. Ano ba yan. Parang girlfriend naman ang datingan ng mga iniisip ko!
"Naks, ha. See? Hindi pa man kayo maganda na ang nabuild n'yong tiwala sa isa't isa." She put her hands on her waist. "Answer me honestly. Gusto mo ba or hindi si Eduardo? 'Wag kang magsisinungaling dahil kilala kita, ha?"
I sighed in surrender. "F-Fine. I like Yuan, ate. But I love you, okay?"
She pinched my cheek, "Oh, ayos naman pala, e. Okay na sa 'kin 'yong pagmamahal mo, no! Ikhaw langs, shapat nuah." Pajeje niyang sabi at hindi ko napigilan ang paghalakhak ko.
"Ewan ko sa 'yo, ate!" Napapailing na sabi ko.
My phone suddenly beeped. Hinanap ko 'yon sa bag at tiningnan kung sino ang nagtext.
From: Superman
Hi, baby. Where are you? Nandito sakin yung shirt na pampalit mo.
BINABASA MO ANG
Their Kind of Love | √
Teen FictionMay klase ng pag-ibig na pinagtagpo at pinahintulutan sapagkat itinadhana. Kahit ano man ang pagdaanan, isa't isa pa rin ang babalikan. Sana kabilang kami doon. Sana.