[Kisses']
"Nasa Germany ngayon si Ed." Sabi ni Luis matapos ang mahabang katahimikan.
I decided na makipagkita sa kanya para magtanong ng tungkol kay Yuan. Pero parang nablangko rin ang utak ko. There are too many questions I want to ask na hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong itanong.
"Narinig ko nga kanina." I answered.
Actually, isa 'yon sa mga dahilan kaya naisip kong kausapin si Luis. I was hurt of course. Umalis si Yuan nang hindi man lang nagpapaalam. Pero mas nangibabaw ang pag-aalala ko sa kanya. I wonder if he's okay. I hope he's okay.
"Nagpaalam ba siya sa 'yo?" He asked curiously.
Umiling ako at malungkot na ngumiti. "Hindi nga, eh."
Napayuko ako at wala sa sariling pinaglaruan ang aking pagkain. Muling napuno ng lungkot ang puso ko. Christmas vacation na namin. I was actually looking forward to it. Naisip ko kasing yayain si Yuan sa province namin. Pero kapag nga yata pinaplano ay hindi talaga natutuloy. Ang bigat bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon...
"Are you okay?" Tanong niya.
I sighed and forced a smile. "Yeah. Um, can I ask you a question?"
He nodded at me, "Sure. What is it?"
"Do you have any idea on what's happening to Yuan?" I asked. Seryoso ko siyang tiningnan at walang pinalampas na ekspresyon niya. Pero mukhang wala rin siyang ideya sa sinasabi ko. He really looked confused. It's either he doesn't really know anything or he's just good at hiding his real emotion.
"What do you mean?"
I leaned on the back of my chair and crossed my arms over my chest. "Parang may problema kasi siya, eh. I mean, okay kami tapos biglang parang nilalayo na niya 'yong sarili niya sakin..." I sighed and looked away. "He's acting like he's annoyed of me."
He cleared his throat at ginaya ang posisyon ko. "What if, no offense ha, what if 'yon talaga ang nararamdaman niya?"
Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Of course, naisip ko na 'yon. Pero ang weird naman kasi ng inaakto niya. He told me he loves me at alam kong totoo 'yon. At nung sinabi niyang naiinis siya sa pagiging clingy ko, there's something in his eyes that's telling me the opposite."
"Don't you think you're just over thinking? Or what if you're just in denial? Kaya mas pinipili mong paniwalaan ang sinabi niyang mahal ka niya?" Seryoso niyang sabi.
Natigilan ako sa mga sinabi niya. Parang muling tinusok-tusok ang puso ko. It hurts.
I licked my lower lip at umiling sa kanya. "Yuan's not like that. I know him. I know him beyond sa pagkakakilala mo sa kanya. He won't do such thing. At kung ano man ang ginagawa niya ngayon, alam kong may sapat siyang rason don. I trust him." Mariin kong sabi. I trust Yuan at hindi 'yon mababago ng mga what ifs ni Luis.
Biglang napahalakhak si Luis at nagtataka akong napatingin sa kanya. Nakangisi niya akong tinitigan. "Now I understand kung bakit napakarami sa mga kakilala ko ang may gusto sayo. Kakaiba ka."
I blushed instantly. "W-What are you talking about?"
He shrugged, "'Yong tulad mo ang babaeng dapat iniingatan, pinapahalagahan at 'di pinapakawalan."
Alanganin akong ngumiti sa kanya. "Thank you but you're making me feel awkward."
"Oops. Sorry." Natatawa niyang sabi.
Napailing na lang ako. No wonder why Ate Mary fell onto his words. Natural siyang bolero.
I decided to change the topic. "Ikaw? Pupunta ka ba sa Germany?" I asked curiously.
![](https://img.wattpad.com/cover/89332869-288-k931049.jpg)
BINABASA MO ANG
Their Kind of Love | √
Teen FictionMay klase ng pag-ibig na pinagtagpo at pinahintulutan sapagkat itinadhana. Kahit ano man ang pagdaanan, isa't isa pa rin ang babalikan. Sana kabilang kami doon. Sana.