[Kisses']
Huminga ako ng malalim at muling luminga-linga. Still no sign of Ate Mary. I texted her last night para ipaalam na sasabay ako pauwi sa kanya. I decided to tell her everything. Yes, masakit ang katotohanan na after ng lahat ng akala niyang pagkakaunawaan nila ni Yuan, malalaman niyang kasinungalingan lang lahat ng 'yon. But I believe that it's better to be slapped by the truth than be happy with the lies fed with you. Tinuruan din ako ng mga magulang ko na maging tapat at 'wag maging kunsintidor sa mga kalokohan. They said that there will be no improvement in this world if people will let themselves be blinded by lies.
Napaisip tuloy ako sa mga kasinungalingan ko. I wonder if it's still a bad thing though... 'Yong magsinungaling ka para sa happiness ng mga taong malapit sa'yo. But I guess it is. No matter what your intention is, a lie is still a lie.
Napadiretso ako sa pagkakaupo nang makita si Marcus na naglalakad papunta sa 'kin. He looks so serious. I mentally sighed. Nakalimutan ko nang ayusin ang problema naming dalawa! I feel so guilty. I was too preoccupied with other people's problem na nakalimutan ko na meron nga rin pala akong sariling problema na dapat ayusin!
Tahimik lang siya na umupo sa tabi ko. I don't know pero parang naiiyak ako! It's been days simula nang makita ko siya. I didn't even text him just to know if he's okay! What kind of friend am I?
"Kumusta ka na?" Mahina niyang tanong. Oh my gosh. I missed his voice! I missed my best friend! Ngayon lang nagsink in sakin kung gaano ko siya namiss!
I closed the space between us and gave him a tight sidehug. "I'm sorry..."
Naramdaman ko ang kanyang kabilang kamay na marahang humaplos sa nakayakap kong braso. I refused to look at him and tried to hide my face.
"Why are you sorry?" Marahan niyang tanong.
Napailing na lang ako. Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nararamdaman ko ngayon. Lahat ng pinagdadaanan ko ay alam niya. He's always there whenever I feel so down. He's the one who never fail to comfort me and make me feel okay.
Yes, I have Yong and ate Mary. I have my org mates and my other friends... pero iba si Marcus. High school pa lang kami, siya na ang palagi kong kasama. We were partners in crime. We know each other's favorites and likes. He may not be my destiny but one thing I'm sure of is that he is my soulmate.
Ngayon ko lang narealize na parang lumayo na pala kami sa isa't isa. He's got a girlfriend and I have my own heart issues. And that's the thing I don't understand between us... We never talk about each other's love life. It was like we're afraid na malaman ng isa't isa kung sino na 'yong nakakapagpatibok ng heart namin.
"I missed you." He said softly.
Bumitiw ako mula sa pagkakayakap sa kanya at binigyan siya ng malungkot na ngiti. "I missed you, too."
He held my hand and caressed it with his thumb, "I'm sorry about last time. I don't know what happened to me. Sorry kasi nasaktan kita sa mga nasabi ko."
Tumango ako, "Sorry din. I know I hurt you, too."
"So, okay na tayo?" Nakangiti niyang sabi.
I rolled my eyes at him, "Do I have a choice? You look so miserable without me." Biro ko.
He narrowed his eyes at me and tried to tickle me on my side, "Ikaw? 'Di ka ba malulungkot 'pag nawala ako sa buhay mo?"
Natigilan ako sa tanong niya, "May balak ka bang umalis sa buhay ko?"
He flicked my forehead, "Wala, no! Masama magtanong ng mga ganung bagay?"
I jabbed my elbow into his ribs. He grunted in pain and looked at me with sharp eyes. Binigyan ko rin siya ng naghahamong tingin kaya napailing na lang siya habang natatawa.
BINABASA MO ANG
Their Kind of Love | √
Fiksi RemajaMay klase ng pag-ibig na pinagtagpo at pinahintulutan sapagkat itinadhana. Kahit ano man ang pagdaanan, isa't isa pa rin ang babalikan. Sana kabilang kami doon. Sana.