[Kisses']
Abala ako sa pag-se-serve ng lunch sa mga lolo at lola nang magawi ang tingin ko sa isang sulok kung saan may isang lola na tahimik na nakatingin sa malayo.
Bumaling ako kay Melly, "Mels, may pupuntahan lang ako. Kaya mo bang mag-serve ng food alone?"
"Ah sige lang. Yakang-yaka ko 'to." Nakangiti niyang sabi. I smiled gratefully at her and said my thanks.
Maingat akong lumapit kay lola Pina. Buti may name tags sila. Knowing people's name is really important for me.
"Hello, lola." Nakangiti kong bati kay lola Pina at saka umupo sa kanyang tabi.
Ibinaling niya sakin ang kanyang atensyon at bahagyang ngumiti saka muling tumingin sa kawalan. I can see sadness in her eyes at hindi ko makayanan tingnan 'yon. Parang napupuno rin ng sadness ang puso ko... Sinubukan kong hindi maapektuhan.
"Uhm, ako nga po pala si Kisses." I said with a bright smile.
"Ako naman si Pina." Mahinang tugon ni lola.
"Nice to meet you po, lola!" Punong-puno ng energy na sabi ko. Kung nakakahawa ang negative vibes, then lalabanan ko ito ng positive vibes! "Uhm, bakit po mag-isa kayo dito? Hindi po ba kayo nag-eenjoy?"
"Hindi kasi ako sanay sa ingay, apo."
Bahagya akong napangiwi. Paano 'to? "Ganoon po ba?" Then an idea popped into my mind! "Alam ko na po lola!" I exclaimed that made her look at me with confusion. "Gusto n'yo pong pumunta muna sa garden? Doon po tayo maglunch?" Excited kong sabi.
Tila nagliwanag naman ang mukha ni lola Pina. Nakangiti siyang tumango and I can't help but smile wider. Inalalayan ko siyang tumayo at lumakad patungong garden.
"Kumusta naman po kayo dito?" Tanong ko habang naglalakad.
Napatingin ako kay Yuan na kunot-noong nakatingin sakin. Nginitian ko na lang siya at sumenyas na mamaya na kami mag-usap. I'm aware that he wants to talk to me lalo na at medyo nasungitan ko siya kanina. I didn't mean to be rude to him. Sadyang pagod lang ako at puyat - unfortunately, sa kanya ko naibunton 'yon. I feel so guilty...
"Maayos naman kami dito." Sagot ni lola Pina at bahagyang naubo.
"Okay lang po kayo?" Nag-aalala kong tanong.
"Ah, ayos lang ako. Sadyang ganito lamang talaga kapag tumatanda na." Biro niya.
Nangiti na lang ako kay lola Pina. Sinenyasan ko si Tom nang makita ko siyang nakatingin sa banda namin. Patakbo siyang lumapit sa 'kin.
"Oh, Kisses." Bati niya.
"Hi, Tom. Pwede bang humingi ng favor?" Tanong ko.
He smiled at me, "Sure. Ano 'yon?"
"Pwede ka bang magdala ng food and water sa garden?" Alanganin kong sabi.
Tumango naman siya, "Oo naman. No problem. Isusunod ko sa inyo asap." Nakangiti niyang sabi at nagpaalam na.
Nagpatuloy kami ni lola Pina papuntang garden. Nang makarating kami, excited akong iginala ang paningin ko. Yay! Ang ganda ng garden nila dito!
"Wow, lola Pina! Super ganda po ng garden n'yo!" Natutuwa kong sabi kay lola habang inaalalayan siyang umupo.
"Naku oo, apo. Laking pasasalamat ko sa nag-aalaga nitong hardin. Paborito kasi namin magpahangin dito." Nakangiti niyang kwento.
Pumikit ako at dinama ang hangin.
"Salamat sa inyo, ha." Lola Pina said all of a sudden.
I opened my eyes and looked at her with a sincere smile, "Thank you rin po for letting us na pasayahin kayo. I hope na kahit ngayong araw lang po ay nakadagdag kami sa sayang nararamdaman n'yo."
BINABASA MO ANG
Their Kind of Love | √
Teen FictionMay klase ng pag-ibig na pinagtagpo at pinahintulutan sapagkat itinadhana. Kahit ano man ang pagdaanan, isa't isa pa rin ang babalikan. Sana kabilang kami doon. Sana.