Chapter 19 √

1K 70 34
                                    

[Kisses']

"So everything's okay na?" I ask Kristine pagkapatapos ilagay ang huling box na naglalaman ng mga regalo.

"Yup!" Nakangiti niyang sagot at sinarado na ang van.

"Baka may nakalimutan pa tayo?" Nag-aalala kong tanong.

"Tingin ko naman wala na." She replied.

Napahawak ako sa sentido ko habang iniisip kung wala na kaming nakalimutan. Gifts? Check. Dad's donation? Check. Foods? Naipadala na kanina pa.

Napatango ako, "Let's go then?"

"Okay. Sa Antipolo 'yon, 'di ba?" Tanong niya sakin at binuksan na ang vacant part ng van para makasakay. "Ugh. Hindi yata ako kasya."

Natawa ako ng isingit niya ang sarili niya sa pagitan ng mga regalo, "Kandungin mo na lang 'yong ibang gifts," payo ko sa kanya. "And yes, sa Antipolo 'yon. Baka tanghaliin tayo. Sana naman hindi matraffic."

Tinawag ko na si kuya Ernie pagkatapos ay sumakay na rin ako sa front seat.

"Hindi naman siguro tayo masyadong tatanghaliin. Tsaka nandon naman na sila Niel, 'di ba?"

Actually, nauna na samin ang iba naming kaorg. Sumabay sila sa bus kasama ang ibang tutulong sa event. I just asked Kristine na sumabay na sakin. Biglaan kasi ang ideya namin na magbigay ng gift, pandagdag lang sa mga ibibigay sa mga lolo at lola. Since may funds naman talaga kami para sa mga ganitong event. We did the shopping and wrapping of gifts in just a day! Imagine that! I can't help but be proud of us!

"Nakarating na raw ba sila?" I glanced at her mula sa rearview mirror.

"Yup. Nagtext sila Ali. They're preparing na raw."

"Alright. That's great, then." Nilakasan ko pa ang aircon. I feel so exhausted. 'Di ko alam kung saan ako kukuha ng energy mamaya. "Kris, pakiabot naman 'yong jacket ko, nandyan yata sa likod mo."

"Okay ka lang?" Kristine asked. Inabot niya sakin ang denim jacket ko.

"Thanks. I'm fine don't worry." I'm wearing a breeze back knit tank top na tinernuhan ko ng skinny ponte pants. Agad kong sinuot ang iniabot niyang jacket.

"Anong oras nyo ba natapos ang pagbabalot sa mga regalo?" Tanong niya habang nakatingin sa kanyang cellphone.

"Hmm. Around three am. Sila ate Wilma na rin 'yong tumapos." I said and shrug. Bahagya kong binaba ang upuan ko. "Nasabihan naman na sila Fen na sila ang magcocover ng event para sa December issue natin, 'di ba?"

"Yup. Don't worry about that. Geez, para kang hindi natulog." Komento niya. "Look at your eye bags."

"Halata ba masyado?" Inilapit ko ang mukha ko sa salamin. I cringed when I saw the dark circles around my eyes. "Lalagyan ko na lang ng concealer."

Kinuha ko ang concealer at make up kit ko sa bag. I felt my phone vibrated habang inaapplyan ko ang eye bags ko ng concealer. Tinapos ko muna ang paglalagay ng blush on at lip balm bago ko kinuha ang cellphone ko para tingnan kung sino ang nagtext.

From: Superman

Where are you?

8:05 am

Mas lalo pa akong napangiwi. Hay. Sana naman hindi niya maisipang gumawa ng eksena mamaya.

To: Superman

Papunta na.

8:21 am

Hindi pa nakalipas ang isang minuto ay magreply na sya.

Their Kind of Love | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon