"How's work?" Tanong sa 'kin ni Yuan habang papunta kami sa mall. We finally found time para makapagdate! Ni hindi ko na matandaan kung kailan ang huling date namin. But I can't complain. We're both busy so...
"Okay naman, love. Nakaka-stress minsan pero I love my job." Nakangiti kong tugon.
"Ah. That's good." He cleared his throat. "What about your boss?"
Sumulyap ako sa kanya. "He's nice."
"To everyone?"
Tumango ako. "Yup. To everyone."
I am careful with my answers coz he might get the wrong idea. Hinatid kasi ako ng boss ko isang gabi dahil late na. I told him about that and he concluded na agad that my boss has a thing for me. Like seriously? Feeling ko kasi eh feeling n'ya lahat ng guys would like me. I don't know if I should be flattered or what.
"He's friendly talaga." Dagdag ko.
Tumango sya. "You're friendly, too."
"I guess?"
He sighed. "'Wag kang masyadong malapit dun. He might get the wrong idea."
I narrowed my eyes at him. "Sus! Nagsalita! You're the one having the wrong idea kaya."
"Tsk. It's a husband's instinct."
Gusto ko sanang kiligin sa husband thingy n'ya pero mas natawa ako sa sinabi nya. "You always think that every guy would like me."
He frowned. "I'm just saying the truth, baby. And I can't do anything about that. What's not to like about you?"
I pinched his side to suppress my kilig! I don't really care about what others think of me. But hearing those words from him is really special.
Pagdating namin sa mall, nag- window shopping lang kami. I'm not in the mood to buy new things kasi. But there's a shirt na nang makita ko ay si Yuan kaagad ang naalala ko, so I bought it for him. I love buying shirts for him. Kahit 'yung suot n'ya ngayon na black fitted shirt ay regalo ko sa kanya. Gwapo talaga!
Nang napagod kami or ako lang pala, we chose to order halo-halo and sat at the available seat sa harap ng isang fast food chain.
There's a pretty girl sitting alone just two tables away from us. Napansin ko na ang daming guys na parang gusto s'yang i-approach. As in! Ang pretty kasi talaga ni ate girl, eh!
"Baby," tawag sa 'kin ni Yuan.
"Hmm?"
"Sinong tinitingnan mo?"
I looked at him seriously. "Love, look at that girl two tables from us - pero wag kang pahalata, ha?" Bulong ko sa kanya.
Sinunod naman nya ako tapos tumingin ulit sa 'kin. "You know her?"
I shook my head. "What do you think of her?"
He frowned. "What do you mean?"
"I mean - is she pretty? Does she catch your interest?"
"Yes, she's pretty." Sagot nya at saka muling bumaling sa kanyang halo halo.
Napanguso naman ako. Of course. Ako nga na girl - sobrang nagandahan si ate, eh. Si Yuan pa kaya?
"So she caught your interest?"
He looked at me, laughing. "No, baby. You told me to look at her so I did."
"She's so pretty, oh." Sabi ko at lumingon ulit sa babae. Ngumiti ito. Shocks. Ganda talaga.
"Should I be jealous now?" Biglang tanong ni Yuan.
"Huh?"
"You look at her with so much amazement." He pointed out.
Napanguso ulit ako. "Ang ganda kasi talaga nya. Kaya maiintindihan ko if mapansin mo talaga s'ya."
He chuckled then pinch my cheeks. "Kulit mo po, Kisses ko. Marami naman talagang magagandang babae. I won't deny that. Pero hindi naman porket maganda ay mapapansin ko na. And besides, 'yung ganda mo lang naman ang napapansin ko."
I rolled my eyes dahil sa pambobola n'ya. Wala talagang kupas! Well at least aminado s'ya na may mga nagagandahan s'yang babae. 'Di naman s'ya bulag.
"Why is that?"
"Why is what?"
I pursed my lips. "Bakit 'di mo sila napapansin even if they are pretty?"
He sighed. "Because they are not you. There are many pretty girls out there but so what? You're the only girl I want." He said then winked at me.
Hindi ko napigilan ang pagngisi dahil sa kilig.
"Ikaw..." Napairap akong muli.
"Bakit ako?" Natatawa n'yang tanong.
"Ang hilig mo magpakilig!" Ingos ko sa kanya.
Muli syang napahalakhak. "Of course, baby. Basta sa 'kin ka lang talaga dapat kiligin."
Napailing ako sa kanya. "Pero love... Hindi ka ba talaga tumingin sa ibang babae?"
"Counted ba ang mommy ko? Si Tita Mommy? Si ate?" Inosente niyang tanong.
I groaned and slap him on his arm. "Seryoso kasi!"
Natatawa n'yang pinigil ang mga kamay ko sa paghampas sa kanya. "Okay okay. Before I met you, yes." Masuyo niyang pinisil ang mga kamay ko. "Pero nang makilala kita, hindi na." He said while playing with my engagement ring. He remained silent at saka muling ngumiti - nakatitig pa rin sa singsing sa daliri ko. "Coz why would I, right? I already found you. Hindi ko na kailangan pang lumingon sa iba kasi nga nasa 'kin ka na."
Ugh. Pakilig talaga!!!
My heart warmed as I look at him. "Mahal mo talaga ako, no?" Tanong ko sa kanya.
He looked at me then smiled. "Sobra."
![](https://img.wattpad.com/cover/89332869-288-k931049.jpg)
BINABASA MO ANG
Their Kind of Love | √
Fiksi RemajaMay klase ng pag-ibig na pinagtagpo at pinahintulutan sapagkat itinadhana. Kahit ano man ang pagdaanan, isa't isa pa rin ang babalikan. Sana kabilang kami doon. Sana.