Chapter 37 √

691 45 14
                                    

Hindi na natuloy pa ang panonood namin ni Marcus ng sine. Agad niya na rin akong niyaya umuwi para makapagpahinga na raw ako.

Tahimik lang ako habang nasa byahe kami. Pilit kong inaalala kung nagawi man lang ba sa 'kin ang tingin ni Yuan kanina.

Posible ba na hindi niya ako nakita gayong magkasalubong kami kanina? My heart aches just by thinking about what happened.

"Magpacheck up ka, ha?" Biglang sabi ni Marcus.

"Huh?"

"Hindi ito ang unang beses na naramdaman mo 'yung kanina." Seryosong sabi niya.

He's right. Paminsan-minsan ay sobrang naninikip ang dibdib ko. Lalo na kapag nakakaramdam ako ng sobrang emosyon. Pero matagal na rin noong huli ko itong naramdaman.

I sighed, "Wala lang 'to. Heart burn lang siguro."

"Seriously, Kisses, I want you to have a general check up. I'm gonna tell your parents about what happened."

Napanguso ako, "'You're worrying too much. I'm fine."

"I hope you're right. But I wanna make sure, alright?" He said and glanced at me for a second.

"Are you worrying na baka may sakit na ako sa puso?" Natatawa kong sabi.

Nabigla ako nang bigla niyang hininto ang kotse. "Hindi 'yon nakakatawa, Kisses." Mariin niyang sabi.

Muli akong napabuntong-hininga. "Don't worry, okay? I'm fine pero para hindi ka na mag-alala, magpapacheck up ako. Okay na?"

"You know I'm just worried about you, right?" Masuyo niyang sabi.

"I know. You're always worried about me. I know I'm not that strong. But I'm not that fragile either." Sabi ko at umiwas ng tingin.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Alam ko namang malakas ka. Pero hindi ko na yata maalis sa sarili ko 'yon, eh. Lagi kitang inaalala. Bear with me, please?"

Tipid akong ngumiti at saka tumango.

     ***

"I wonder what would be the highlight of this sem." Wala sa loob na sabi ni Kristine habang nasa auditorium kami para sa orientation para sa mga first year. We need to cover this event para sa January issue ng paper namin.

"Who knows." I muttered under my breath.

Tamad akong tumingin sa stage kung saan nagsasalita ang presidente ng aming unibersidad.

"Hi, Kisses." Bati ng isang estudyante na papadaan na sana pero huminto pa sa harap ko. Inangat ko ang paningin ko sa kanya. He smiled even wider the moment our gaze met. I don't know him though.

Tiningnan ko ang lanyard niya. He's from the College of Engineering.

"Hello." Nakangiti kong bati. Ramdam ko ang bahagyang pag-siko ni Kristine na siyang nasa kaliwa ko. I mentally rolled my eyes. Seriously?

"U-Uhm, ako nga pala si Hanz." Namumula niyang sabi bago inilahad ang kamay sa 'kin.

Malugod ko naman 'yong tinanggap. "I'm Kisses. Nice to meet you."

"Excuse me." Sabay-sabay kaming napatingin kay Niel na iritado ang ekspresyon. "Nakaharang ka sa daan." Walang ekspresyon na sabi niya kay Hanz. Bigla akong kinabahan nang maramdaman ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Ah sorry, ha? 'Di ko kasi mapigilang mapahinto dahil kay Kisses." Sarkastiko niyang sabi kay Niel.

Agad akong napatayo para pumagitan sa kanilang dalawa. May ilang napapatingin na sa 'min. Goodness! What's with these guys?

Their Kind of Love | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon