Weeks passed and I am just doing the same routine.
I study hard...
I do my responsibilities... and...
I keep my feelings to myself.
Everything is fine and... dull.
***
Nagmamadali akong tumakbo patungo sa pinakamalapit na waiting shed dahil sa unti-unting pagpatak ng ulan.
Geez. Nakalimutan ko pang dalhin ang payong ko! Baka magkasakit na naman ako nito.
Napabuntong-hininga na lang ako sa naisip. Nakahinga ako ng maluwag nang nakalilim na ko sa waiting shed at saka biglang bagsak ng malakas na ulan. Pagod kong pinunasan ang nabasang braso at mukha ko.
Luminga-linga ako at halos 'di ko na makita ang paligid dahil sa lakas ng ulan. I'm stuck and it sucks. Hindi gaanong kalakihan ang waiting shed kaya bahagya pa rin akong nababasa ng ulan.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko but then my shoulders fell in disappointment nang matantong empty battery na ang phone ko.
"What am I gonna do now then?" Napapabuntong-hininga kong tanong sa sarili.
Biglang lumakas ang ihip ng hangin kaya napayakap na lang ako sa sarili ko sa lamig.
"My goodness. Wala man lang kaya akong mahihingan ng tulong?"
Bahagya na akong kinakabahan. I have no choice kundi hintaying huminto ang ulan.
I looked up at parang ang dami pang ulan na ibabagsak ng kalangitan. I guess, finally, the sky decided to let go of its burden.
I can relate to the sky but at the same time, naiinggit ako rito. I wonder if I also have the same right. Karapatang ilabas lahat ng mga bigatin na nararamdaman ko. Mga sakit na pilit kong tinatago at kinakalimutan.
Nilahad ko ang aking kamay para saluhin ang mga patak ng ulan. At sa hindi malamang kadahilanan, my tears started to fall, too.
At ng mga oras na 'yon, kahit wala akong kasama, hindi ko pa rin ramdam ang pag-iisa. Dahil sabay kami ng kalangitan na lumuha.
***
"Sweetie, are you really fine?" My mom asked me for the nth time. Inabot niya sa 'kin ang mga gamot na kahit anong tanggi kong inumin ay hindi siya pumapayag.
"Yes, mom." I said at saka ininom ang mga gamot na binigay niya.
"Ang pula ng ilong mo dahil sa sipon. Nagkaroon ka pa ng sinat kagabi. You should take a rest, Kisses." Hindi pa rin mapakaling sabi niya.
Kinuha ko na ang bag ko at saka ngumiti sa kanya. "Mom, I'm fine. At hindi po ako pwedeng umabsent. I have a lot of things na kailangan ko pong gawin."
She sighed and gave me a tight hug. "You promised to take care of yourself sweetie."
I chuckled as I wrapped my arms around her. "Yes, Mom. At ginagawa ko po 'yon."
"I know. But know also that you have me, okay? Kami ng daddy mo. Whatever you're feeling or ano mang problema mo, handa kaming kunin sa 'yo lahat ng 'yon, okay?" Bahagyang nanginginig ang boses niyang sabi.
Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. "I know, mom. Thank you."
***
"Seriously, Kisses, you should go home and take a rest." Nakangiwing sabi ni Ali sakin.
BINABASA MO ANG
Their Kind of Love | √
Novela JuvenilMay klase ng pag-ibig na pinagtagpo at pinahintulutan sapagkat itinadhana. Kahit ano man ang pagdaanan, isa't isa pa rin ang babalikan. Sana kabilang kami doon. Sana.