[Kisses']
I cleared my throat matapos ang mahabang katahimikan. "Can I ask you something?"
"Sure. What is it?"
I bit my lip. I know he's expecting me to ask this question. "'Yong mga members ng gang na sinalihan mo dati, are they after you? Kaya you want me to stay away from you?"
He remained quiet for few seconds bago siya tumango. "Yes, they want me to stay away from you. I can't take the risk na idamay ka sa gulo ko. I want you out of danger and I am that danger."
Bahagya akong nakaramdam ng takot. Hindi lang para sa sarili ko kundi maging para sa kanya rin.
"You're wrong. Sila 'yon, not you, okay? Pero hanggang kelan mo gagawin 'yan?" I asked him.
"Ang alin?"
"'Yan, 'yang pag-iwas sakin? Pagsunod sa kanila?"
He shrugged his shoulders, "Until I am sure that you're safe?"
"Hindi ba pwedeng... hindi ba pwedeng protektahan mo ako mula sa malapit? Mula sa tabi ko?" Tanong ko habang nakatingin sa mga dahong nililipad ng hangin.
"I don't know... I'm so afraid to even try." Mahina niyang sabi. "I'm sorry for being a coward..."
Malungkot akong ngumiti. "I understand. Thank you for protecting me." I reached for his hand and covered it with my both hands. "Wala naman siguro sila dito, 'di ba? Pwede bang habang nandito tayo, bumalik muna tayo sa dati? Kalimutan mo muna sila... Pwede ba 'yon?" Tanong ko sa kanya at saka siya tiningnan.
"Mas masasaktan lang kita." Sagot niya habang nakatitig sa 'kin.
Natigilan ako nang biglang pumasok sa isip ko si Danielle. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at inalis ang hawak sa kanyang kamay.
"What's the problem?" Nag-aalala niyang tanong.
"I'm sorry. Nakalimutan kong may girlfriend ka na nga pala." Halos manginig ang boses na sabi ko sa kanya.
"Hey." He caressed my face with his thumb. "What girlfriend are you talking about?"
Napayuko ako, pilit na tinatago ang aking mukha mula sa kanya. "Si Danielle. Girlfriend mo 'yun 'di ba?"
Bahagya siyang natawa kaya naman napaangat ako ng tingin sa kanya. Mukhang tuwang-tuwa siya sa 'kin. "What's so funny?"
"You and your assumption. What made you think that Danielle's my girlfriend?" Nakataas ang kilay niyang tanong.
I crossed my arms over my chest and looked away from him. "Tss. Mali ba ako?" Nanghahamon ko ring tanong. "Sweet sweet nga niya sayo, eh." Bulong ko.
"Did you say yes to me already?" Biglang tanong niya.
Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Huh?"
"Ikaw lang naman ang nililigawan ko. You're the only girl I want to be my girlfriend - the only girl I want to be with. Now, unless you say yes to me, then I don't have a girlfriend. Okay?" He said with a smile. Napangiti naman ako at pigil ang kilig na tumango.
"So nanliligaw ka pa rin sakin?" Kinikilig kong tanong.
"Of course. And you're not allowed to entertain other guys, okay? Not Allen - not Marcus - not Neil and definitely not Joe. Ako lang, okay?" Seryoso niyang sabi.
"Naah. You're so demanding! Pero namiss ko 'yan." Sabi ko sa kanya at kinindatan siya.
Napanguso naman siya na tila nagpipigil ng ngiti. "Good."
![](https://img.wattpad.com/cover/89332869-288-k931049.jpg)
BINABASA MO ANG
Their Kind of Love | √
TienerfictieMay klase ng pag-ibig na pinagtagpo at pinahintulutan sapagkat itinadhana. Kahit ano man ang pagdaanan, isa't isa pa rin ang babalikan. Sana kabilang kami doon. Sana.