Chapter 33 √

1K 56 7
                                    

[Kisses']

"Balik na tayo doon?" Yaya ko kay Yuan makalipas ang ilan pang minuto.

"Okay..." He said and stood up. He offered his hand to me and I took it gladly. Pinagsalikop niya ang aming mga daliri habang naglalakad kami papunta sa bahay nila ate Maja.

Dinadama ko ang malamig na dampi ng hangin sa aking mukha habang kami ay naglalakad.

"Are you into K-dramas?" I asked him randomly.

He chuckled and tilted his head to look at me. "No. Why?"

"I happened to watch some K-dramas these past few days..." I told him.

"Hm? Then?" He urged me to tell him more.

"I just can't help but wonder... Would it be a happy ending for us katulad ng ending ng Weightlifting Fairy Kim Bok Joo, or a sad one like Scarlet Heart: Ryeo..." Sabi ko at bahagyang natawa.

He seemed to take it seriously, though. "I'm sure it'll be the former. Even happier than what they had."

I sighed and moved closer to him. "I hope so... Hindi ko yata kakayanin na maging parang panaginip ka lang, no."

"Don't overthink, okay? Everything will be fine." He said.

Napatango na lang ako at mas hinigpitan pa ang kapit sa kanyang braso.

"Anong gagawin natin kapag bumalik na tayo sa Manila?" Tanong ko sa kanya.

Hindi agad siya nakakibo. Na-guilty naman ako dahil sa tinanong ko. Feeling ko na-pressure siya dahil doon.

"Kung ano man ang kailangan mong gawin, gawin mo lang, okay? Don't worry about me. I'll understand. Hm?" Sabi ko sa kanya at ngumiti.

Malungkot siyang ngumiti sa 'kin, "I'm sorry. You're always the one who have to sacrifice..."

"That's not true. Ikaw 'yong pinakanagsa-sacrifice para sa 'tin. And I know that you're doing it for me so thank you."

He stopped walking kaya napahinto na rin ako. He pulled me in a tight hug. "I'll make it up to you, okay? Just wait for me, baby." He said and kissed me on my head.

Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. "Aasahan ko 'yan."

Bahagya siyang lumayo sakin upang matingnan ako. "Just don't entertain other guys, okay? Don't get close to them. You should only have your eyes on me. Are we clear on that?" Masungit niyang sabi.

Natatawa akong tumango. "Crystal clear."

•••

"Mauna na akong pumasok sa loob?" Sabi ko kay Yuan habang pareho kaming nakatayo sa pintuan ng mansion nila ate Maja.

He nodded and kissed my hand bago bitiwan 'yon. "I'll text or call you later, okay?"

"Okay." Sagot ko at nakangiting iniwan siya don para pumasok na sa loob.

Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa 'kin ang mga di-pamilyar na tao. Natigil sila sa pagkukwentuhan dahil sa pagpasok ko. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha nang mapunta sa 'kin ang atensyon nilang lahat. Nawala sa isip kong hindi nga pala namin bahay 'to at marami silang kamag-anak na mag-i-stay dito for ate Maja's wedding!

"H-Hello po." Nahihiya kong bati sa kanilang lahat at bahagya pa akong nag-bow.

"Kisses!" Napalingon ako sa tumawag sa'kin at nakita si Luis na nakangiting naglalakad papunta sa 'kin.

"Luis! Nasaan si ate Mary?" Pabulong kong sabi pagkalapit niya sa 'kin.

"Nasa kusina." Sagot niya at saka bumaling sa mga kamag-anak niya. "My dear family and relatives, this beautiful girl here is Kisses, my friend. Kisses, they're my relatives."

Their Kind of Love | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon