Chapter 7 √

1.1K 77 20
                                    

Habang kumakain kami nila mommy and daddy ng dinner, inoobserbahan ko kung nasa magandang mood ba sila. May gusto sana akong sabihin but they're talking about business and it's rude na makisingit sa usapan nila.

But I think I didn't have to wait that long dahil napansin na nila na may gusto akong sabihin.

"What is it, Kisses?" diretsang tanong ni Mommy.

Alanganin akong ngumiti sa kanila, "I was just wondering, mom... I think kailangan natin ng isa pang cook."

My mom's eyes widened at sumulyap siya kay Ate Beth na naglalagay ng pagkain sa aming mesa. "Kisses! What do you mean by that?"

I realize that they misunderstood me so maagap akong umiling, "It's not what you think, mom! Ate Beth's the most amazing cook ever!" I look at Ate Beth and smiled at her shyly, "I love you, ate Beth!" bahagya na lang siyang napailing habang nangingiti. Muli akong bumaling sa parents ko na naghihintay ng sasabihin ko. "I just thought na kailangan ni ate Beth ng katulong sa pagluluto! It's not easy, mom, ha! Cooking all of these ng walang katulong." Exaggerated pa talaga ang expression ko.

Tumaas ang kilay ni mommy sa sinabi ko, "Pwede ko naman sabihan sila Wilma na tumulong sa kusina. May lima na tayong kasama dito sa bahay. I think they're more than enough."

"But Mom..." Napanguso alo habang nakatingin sa pagkain ko.

"Tell me, princess. Ano ba ang gusto mong mangyari?" singit ni Daddy. "May gusto ka bang bigyan ng trabaho? Sabihin mo lang sa 'min at gagawan natin ng paraan."

My face lit up dahil sa sinabi ni Daddy. "Really, dad?"

"Yeah, of course. Anything for you, my princess." nakangiti niyang sabi. Wala na ring nagawa si mommy at napangiti na lang din.

Ah! I really have the best parents in the whole wide world!

✌✌✌

Kinabukasan, I decided to go kila Lola Sylvia ng nakabike lang. Labag man sa loob ng driver namin, hinayaan nya na rin ako after I promised him na mag-iingat ako. The weather's nice at nakakarefresh ang hangin kaya masarap magbike. And I think of it as an exercise na rin. Hindi na ako nakakapag gym dahil busy ako sa mga requirements at mga activities.

Natigil ako sa pagbabike ng mamataan si Yuan sa gilid ng daan. He's waving his hand at me, motioning me to stop my bike. With a smile, itinigil ko sa tapat niya ang bisikleta ko. Pansin ko rin na may akay siyang bike. He's into biking din siguro?

"Hi!" bati ko.

Yuan looks so cool with his dark blue v-neck shirt and our university jogging pants. Ang fresh fresh n'yang tingnan! Kaloka!

"Hey. Saan ang punta mo?" he asked.

"Uhm, may bibisitahin akong kakilala. Why?"

Bahagya siyang umiling, "Wala naman."

Since mukhang wala naman siyang gagawin, I decided to invite him kung gusto niyang sumama. If he doesn't want to, then at least I tried, 'di ba?

"Gusto mong sumama?" alanganin kong tanong sa kanya.

Gulat naman siyang napatingin sa 'kin, "Pwede?" agad niyang tanong. "I mean, I'm bored so..."

I chuckled, "Of course. Pwedeng pwede. Tara na?"

He nodded. Ngunit bago pa siya makatalikod sa 'kin, hindi nakatakas sa aking paningin ang kanyang pagngiti.

✌✌✌

[Yuan's point of view]

Tahimik lang kami ni Kisses habang nagba-bike papunta sa dadalawin niyang kakilala. I wonder if it's a guy? Well, surely it's not right? Siya ang dadalaw eh. If it's a guy, then it should be the other way around. If it's me, I wouldn't let her be the one to come to my house, except of course if she's gonna meet my family.

Their Kind of Love | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon